Chapter 12.2: Rumble Gamble

209 27 7
                                    

Chapter 12.2:
Rumble Gamble

Third Person's POV.



"I WON AGAIN," walang emosyong binato ni Asrani ang kanyang mga baraha sa gitna ng lamesa. Namamanghang napapalakpak sa isang tabi ang mga tauhan ng hari ng mga baraha. Ito ang pang-apat niyang laro sa pagitan ng boss nila at magmula kanina ay laging siya ang nananalo sa kanilang dalawa.




Napapalibutan sila ng mga naglalakihang tauhan. Kapwa nakaupo sa magkabilang unahan ang dalawang magkatunggali. Nasa likod ni Asrani si Yesenia na hindi na mabilang kung ilang beses napairap, gaya ng sitwasyon niya kanina ay naka-tali parin ang mga kamay at paa niya sa upuan, nasa likuran naman ni Buris ang dalawang pinagkakatiwalaang tauhan nito.




Ngising-ngisi si Hong, habang nag-aalala ang tinging ipinupukol ni Gardo sa dalawang babae.




Alam niya sa sariling hindi basta-bastang tumatanggap ng pagkatalo ang boss nila. Tuso at madumi itong maglaro. Maaaring hindi nito palabasin ng walang galos ang dalawa.




"Release us now," Asrani said in a monotone voice.




Ang katapat niyang si Buris Go ay hindi maitago ang matinding galit. Papaano siya nagawang matalo ng isang baguhan? Buong akala niya noon ay tanging sinuswerte lamang ang dalaga noong araw na natalo siya nito.... pero anong mahika ang ginagamit ni Asrani na kahit ngayon ay lagi siyang panalo?




"A-anong pandaraya ang ginagamit mo?" pikong binato rin ni Buris ang mga baraha sa gitna ng lamesa. Hindi siya makapaniwala na nagawa siya nitong talunin, at talagang apat na beses pa! Siya, na hari ng mga baraha, ang tinaguriang pinakamagaling sa baraha sa lugar nila ay natalo lamang ni Asrani? Ng isang babae? Napaka-impossible naman!




"Release us," pag-uulit ni Asrani sa sinabi.




Pero umiling lamang ang talunang hari ng mga baraha at mabibigat ang bawat hakbang na lumapit sa gawi niya. Natatarantang sumunod si Gardo sa boss nila, hindi niya maaaring hayaan na saktan nito ang dalawa, lalo na si Yesenia my loves niya!




"Nandaya ka! DINAYA MO AKO!"




Pakuwari nilang lahat ay naging baliktad ang sitwayson ng makapang-yarihang boss nila sa isang iglap. Dati ay laging ang linyang 'yan ang naririnig nilang sinasabi ng mga tao sa kanilang boss pero ngayon, ito na mismo ang nagsasabi no'n. Napakabilis nga naman ng karma.




"How does it feels? You tasted your own medicine," tumayo na si Asrani mula sa pagkakaupo at hinarap si Buris Go, taas noo at walang mababakasan ng pagkatakot. Sa sinabi niyang 'yon ay para na rin niyang inamin na may ginawa nga siyang 'mahika' upang matalo ang lalaki.



But she wouldn't be the stoned-hearted Asrani Isolde without being a wicked witch.... without making her enemies bury themselves in hell.




"Irony, isn't it?" bagamat wala mang tono ang boses ng babae, alam nilang harap- harapan na nitong iniinsulto ang boss nila. Kung boses pa nga lamang nito ay halos kilabutan na sila, paano pa kaya ang ekspresyon nitong napaka-blanko?




"Dinaya mo ako! Nandaya ka, paano mo nagawa iyon ng wala sa amin ang nakakapansin?! ---"




"Where's your evidence?"




Nahigit ang hininga nilang lahat. Anong ebidensyang tinutukoy ng babaeng 'to?




"None?" mapanuksong umangat ang sulok ng labi ni Asrani sa kabila ng suot na cloak, mariin niyang tinignan si Buris Go na agad nakaramdam ng hindi mapaliwanag na takot sa kanya. "Catch a criminal with an evidence, not with a nonsense accusations."





Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon