Chapter 27: Bonfire Talk

243 32 26
                                    

Chapter 27:
Bonfire Talk

Zelmira Andriette.


"Can we have tololong later?"



Binuklat ko ang isa sa mga nakahilerang makakapal na libro sa shelves. Medyo maalikabok na ito at halata ang kalumaan, mukhang matagal nang hindi nililinis ang library, ah?



"Yesenia, tortang talong. TOR-TANG-INANG-TA-LONG." sunod kong narinig ang boses ni Raghnell sa kabilang silid na kasalukuyang nakikipagtalo sa babaeng kanina pa nagrerequest ng magiging dinner namin. Ang gaga lang, tanghaling tapat hapunan na agad ang bukambibig.




"Right! Toralong!"



"Nyeta. Subukan mong bumalik sa elementary, baka sakaling umayos 'yang pilipit mong dila." asar na tugon sa kanya pabalik ni Ragh.




Napailing ako. Para silang mga bata riyan na kanina pa nagtatalo kung paano sabihin ng tama ang 'tortang talong'. Nasa kabilang kuwarto naman sana sila pero rinig na rinig namin ang sigawan nila. Parang sa kanila itong villa kung magtalo sila.




"Aawatin na ba natin 'yung dalawa?" sambit ni Swayze mula sa katapat kong shelves. Katulad ko ay naghahanap din ito ng litrato sa pagitan ng mga libro. "Bakit ba naman kasi puno ng kaartehan 'yang dila ni Yesenia?"




Inismiran ko siya. Maarte si Yesenia pero hindi naman 'yon shunga-shunga na hindi magegets ang isang bagay na ilang beses nang ini-explain sa kanya.




Hindi ba nakakaramdam si Ragh na pinagtitrip-an lang siya ni Yesenia?




"I'm kidding. Hey! Char lang naman!" pakinig ko pang sigaw ng babae pagkatapos namin makarinig ng malakas na pagsarado ng pintuan, mukhang ni-walk-out-an na siya ni Raghnell.




"Mama mo char."



Kung ako lang siguro ang kaharap ni Yesenia ngayon, baka nahampas ko na ang bungo nito sa dingding sa sobrang kaartehan niya.



"Atlas, you can recommend my service to the school director. I volunteer.." from the books, my eyes landed on the two persons talking in the corner of the library.




Abala si Atlas sa pagbubuklat ng libro, kung tutuusin ay mistulang wala pa siyang naririnig dahil nakapokus lang ang mga mata niya sa binabasa habang ang nakatalikod sa kanyang si Cross na naghahanap din ng litrato ay kanina pa siya binubulungan na animo'y isang demonyong nambibiktima.




"You didn't accept the offer, right? Ako nalang..." - Cross.



Narito kaming apat ngayon nina Swayze, Cross at Atlas sa library para maghanap ng litrato. Masyado kasing malawak ang silid na ito at nagbabakasali kaming baka nandito ang hinahanap. Ang iba naman ay sa ibang silid naghanap, napagdesisyunan kais naming mag-partner partner para mas mapadali ang paghahanap namin sa depunyawang 'treasure' na ito.




Sa kasamaang palad, ang kapartner ko ay walang iba kundi ang lintek na lalaking kanina pa ako kinukulit at pinagmamasdan.




"Umayos ka nga." pabalya kong sinarado ang hawak na libro at binalik iyon sa pinagkuhanan ko.



"Maayos naman ako, ah? Guwapo pa."




I unbelievably looked at him. Buong akala ko ay si Yesenia Atienza na ang pinakamahangin na taong nakilala ko pero news flash, free trial lang pala iyong sa kanya at itong gagong 'to ang talagang totoong ibig sabihin ng 'Mahangin'.




Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon