Chapter 16.2: Theatrical dance

189 26 17
                                    

Chapter 16. 2:
Theatrical Dance


Third Person's POV.

TRIGGER WARNING: ABUSE.

"Your daughter is quite smart for her age. I heard she even excels in sports too,"

Unti-unting napangiti ang musmos na batang si Zelmira Andriette habang nakasilip sa dining area ng kanilang tahanan. Nandoon ang mga bisita at ilang kamag-anak ng kanyang ama, kanina pa siya pinag-uusapan ng mga ito.


At first she was quite nervous, she grew up in a family where men are seen more superiors than women. Halos lahat ng kanyang pinsan ay mga lalaki, hindi rin lingid sa kaalaman niya na pinapangarap ng ama na magkaroon ng lalaking anak noong magretiro ito sa sports ngunit hindi ito natupad.


Everyone says that she's her father's biggest failure, just because she's a girl.


"But are you sure you don't want another child? Ikaw na lamang ang walang lalaking anak sa atin, Kuya. Zelmira may be smart but she can't handle your business."



Nawala ang ngiti niya. Isa iyon sa ilang beses niyang naririnig mula sa mga kamag-anak. Kahit madalas ay nangunguna siya sa klase, maliit parin ang tingin sa kanya ng pamilya. Minsan, hindi naiiwasan na pati ang magulang niya ay nadadamay.



She couldn't understand. Anong problema kung babae ka? Walang mali roon. Women are as equal as men. We, women, can be excellent leaders, too. Kaya bakit lagi siyang nakararanas nang pangmamaliit?




Hindi lamang iyon, bata pa lamang ay namulat na siya sa pamilyang kinalakihan kung saan ginagawang alila ang mga babae. Maliit ang tingin sa kanila ng mga lalaking kapamilya, bagama't napakaraming naiambag sa pamilya ay tingin parin ng mga lalaki ay dapat nasa bahay lamang sila dahil ang purpose lang nila ay pagsilbihan ang pamilya. 


She knew it was wrong. Ang turo sa kanya sa school ay pantay pantay ang babae at lalaki. Minsan nga sa eskuwelahan, noong may nangmaliit sa kanya na kaklase ay tinusok niya ito ng lapis sa palad. Her parents were instantly called for that at pinagalitan pa siya ng mga ito pero alam niya sa sarili na deserve iyon ng kaklase niya.



Sobrang nakakasahol. . . Sobrang. . . nakakagalit.



That's why most of the Andriette women leaves the family, iilan lang sa angkan nila iyong may buong pamilya — iyong may kakayahang pagtiisan ang masasahol na trato ng mga ito. Zelmira can't blame them why they left their clan, kung ganito rin ang trato sa kanya ng pamilya ng mapapangasawa niya ay baka mabugbog pa niya ang lalaki bago iwanan.


But as a child, she was afraid. She was scared that maybe, one day her mother would leave her, too. Kagaya sa nangyayari sa mama ng mga pinsan niya.


"Mama, you won't leave us, right?"



Natigilan ang matriach ng mga Andriette. Gusto niyang umiyak sa takot na baka bigla sila nitong iwan, ayaw niya nang gano'n, ayaw niyang mawalan ng mama. Sino ba ang gustong lumaki na walang kalinga ng isang ina?


"Of course, little Zelmira. If you're a good girl, mama won't leave you and your Papa will love us."


"Mabait po ba akong bata, Mama?" she's on top of her class, active din siya sa sports at balak niyang sundan ang yapak ng kanyang ama.



Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon