Chapter 11: Kidnapped

254 27 13
                                    

Chapter 11:
Kidnapped.

Third Person's POV.

"Bye-bye, Sylar-kun!"


Sumilip sa bintana ng SUV ang wagas kung makangiting si Charlotta Winters habang kinakawayan ang kabababa lang ng sasakyan na si Sylar.


Kumaway din siya pabalik, hinintay bago tuluyang maglaho ang sasakyan sa kanyang paningin. Ang bahay ni Sylar Atienza ang pinakamalapit sa bahay ng kanilang rank 1, kaya siya ang unang hinatid pauwi, tanging sina Chichi at Frost ang naiwan sa loob ng SUV.


He sighed and turned his back towards their house. Noong sandaling nakapasok siya sa loob ng kanilang napakalaking bahay nila ay naglaho ang kaninang napakasayang ngiti sa labi niya, nagseryoso ang mukha at naging walang buhay ang mga mata.


Hindi na siya nagtaka pagkatapos hindi mahagilap ang mga magulang sa loob, lagi naman kasi ang mga itong nasa ibang bansa para asikasuhin ang kaliwa't-kanang businesses nila. Pero may nakita siyang isang parihabang kulay asul na box at nakalagay ang pangalan niya roon, panibago na naman sigurong pampalubog loob mula sa mga magulang niya.


"Sana diba naging gift box nalang kayo para araw-araw nandito," bulong niya saka walang kurap na tinapon ang regalo sa basurahan.


His parents loves giving him different kinds of gifts, kahit walang okasyon o kahit na anong dapat i-celebrate. Wala siyang problema kung laging wala ang mga magulang niya pero hinihiling niya lang na sana bigyan din nito ng atensyon ang kakambal niya. Baliktad na baliktad ang pakikitungo ng magulang nila kay Yesenia.


Sylar just bitterly smiled as his fists clenched. Dumako ang tingin niya sa mga litratong nakasabit sa bawat dingding, puros mukha niya ang karamihan na nandoon at kakaunti lang ang kay Yesenia. He then looked at the huge portrait next to him, nasa gitna siya ng mga magulang nila habang ang kakambal ay nasa gilid lamang, nakangiti pero may bahid ng kalungkutan ang mga mata.



"Senorito! Narito na pala po kayo!" A middle aged woman welcomed him warmly, ngunit kapansin-pansin ang pagiging taranta nito.


'Something happened,' Sylar immediately thought. Pamilyar na pamilyar siya sa ganyang itsura ng mayordoma ng bahay nila.

"Where is Yesenia?"


Napaiwas ng tingin ang babae, kinukumpirmang may nangyari nga sa kakambal niya. Mariin siyang napapikit.


The Atienza family favors him more than his sister, he's the favorite child. And he hates it, because his own twin is starting to hate him.


"Did they insult her again?" mabilis na umiling ang babae. "Then what happened?"


"A-ano po ka-kasi Senorito, nasampal p-po siya ni Doña Yeula kanina.." si Doña Yeula Atienza ang nanay nilang kilala bilang napasikat na beauty queen noong kapanahunan nito.



Hindi nga siya in-unsulto ng mga magulang, sinampal naman. Ano na bang nangyayari sa mundo? Mabilis na nilagpasan ni Sylar ang mayordoma at tinungo ang kuwarto ng kakambal niyang paniguradong kinamumuhian na naman siya ngayon.


This is the real Sylar Yeshua Atienza. He was always smiling in school, making chaos... just to make his parents favor him less and notice Yesenia more. Wala siyang pakialam kahit hindi na siya ang maging paborito ng magulang.


Dahil mas mahalaga sa kanya ang kakambal niya.

"Yesenia? Uy, hindi ka raw um-attend ng group meeting niyo kanina. Lagot ka kay Zelmira, " pilit niyang pinasigla ang boses.


Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon