Chapter 15: Decoding the code

192 22 3
                                    

Chapter 15:
Decoding the Code

Zelmira Andriette.

KINABUKASAN. Eight o'clock ng umaga, sa mismong tapat ng gate ng school namin, suot ang uniporme at handa ng pumasok sa loob pero imbes na maglakad, tulalang nakatayo lamang ako at hindi na mabilang kung ilang beses nagbuntong hininga magmula noong makarating ako sa Solis Academy.






"Woah. Hindi ba't si Miss Zelmira 'yan?"





"Huh? Bakit nakatayo lang siya riyan? Like oh my gosh, ang init kaya."






"Malay niyo, gusto niya lang damhin ang sikat ng araw. Photosynthesis kung baga."





"Ay, oo nga, 'no? Talino mo talaga, ghorl."






"Ahehehehe. Hende nemen. Ikaw talaga, nambobola ka naman. Mukha ka na tuloy bola,"






Dagsaan ang mga estudyante sa paligid ko samantalang parang nakapako lang sa semento ang dalawang paa ko at pinagmamasdan ang pinaghalong kulay dilaw at itim naming school gate. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako ngayon o hindi, pero tiyak na hindi puwedeng hindi ako pumasok ngayon.






Mahigpit akong napahawak sa magkabilang strap ng itim kong backpack. My long hair was tied in a high ponytail at gaya ng dati, may nakapulupot na naman na pulang tela sa kaliwang balikat ko, simbolismo na parte ako ng student committee.






"Depungal, magsitabi nga kayo."






Mula sa school gate, nagawi ang tingin ko sa likuran at natagpuan ang imahe ni Raghnell habang maangas nitong pinagtutulak sa mukha ang bawat estudyanteng nakaharang sa harapan niya. Ang mas absurd tignan doon? Ang bawat nahahawakan niyang babae ay halos mahimatay sa puwesto nila, mistulang mga tuwang-tuwa pa na tinulak sila ni Ragh.







Ano ng nangyayari sa mundo. Minsan, gusto ko nalang kuwestyunin ang ilang taong pamumuhay ng mga tao sa mundo at kung anong katangahan ang pinaggagagawa nila sa buhay nila. Nailing na lang tuloy ako at hinarang-an si Raghnell.






Agad itong napahinto, parehong umangat ang dalawang kilay at nagbaba ng tingin sa akin. Kapansin-pansin ang panibagong sugat sa gilid ng labi niya.






"Oh, Andriette. Anong kailangan mo?" Maangas niyang tanong, sinabayan ng tila naninindak niyang ngisi.






Hindi ako nagpasindak.






Ang mga katulad niya ang laging nagpapasakit sa ulo ko, pero siyempre, wala parin makakatalo sa triplets na laging mga pasimuno ng kaguluhan.






"'Yung polo mo, ayusin mo. I-tuck-in mo at isuot mo nga 'yang blazer mo, ano pang silbi niyan kung hindi mo naman pala susuotin?"






Araw-araw ko na lang ba iyon kailangang sabihin sa kanila? Hindi ba sila napapagod? Kung i-record ko na lang kaya ang mga litanya ko para hindi ko na kailangan pang mag-paulit-ulit?




Parte sila ng Solaris Section, ang tanyag na seksyon sa isang prestihiyosong eskuwelahan tapos ganyan sila kung kumilos sa harapan ng lahat? May mga responsibilidad kami mula noong mapunta kami sa seksyong iyon kaya dapat maging cautious sila sa bawat kilos na pinapakita nila. Naturingan kaming mga role models ng school pero iyong mga pinapakita nila, parang pang-bad influence pa sa mga estudyante.





Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon