Chapter 21: Past

230 28 13
                                    

Chapter 21:
Past

Third Person's POV.


SINO SA KANILA ANG MAY SUN CARD?!"


Dinig na dinig sa buong abandonadong building sa Solis Academy ang malakas na boses ng isang babaeng napapalibutan ng napakaraming litrato ng kinaiinisan niyang seksyon — ang section ng Solaris.



"Mayari, kumalma ka."



Nanlisik ang mga mata ng babae. "How the fuck can I calm down? They're enjoying the benefits they have, while we're still stuck on pointing who has that shitty card."




Days, weeks, months. . . Araw-araw nilang ino-obserba-han ang mga miyembro ng ginintuang seksyon, pero kahit isang clue ay wala silang nakita. Kahit kailan, hindi binanggit ng mga ito ang barahang nakuha.




Damn those smartass.




"Paano natin malalaman kung puro lamang tayo pagmamatyag? We need to do an action," wika ng isang taong bagong pasok.





Apat silang nandito. Mga kapwa naka-maskara, may voice changer at hindi alam ang identidad ng isa't-isa. Magkakaibang estudyante ngunit iisa ang hangarin; 'yon ay pabagsakin ang Solaris Section.




"Hindi tayo puwedeng padalos-dalos," tutol ni Mayari.



"Hindi rin puwedeng hindi tayo gumalaw," agad na depensa ng kausap.




Matalim nilang tinignan ang isa't-isa.




"And what do you suggest?" Sa wakas ay nagsalita ang isa nilang kasama. "Remember, it's our identity that's at risk once you do a impulsive move. Think wisely,"





Sa sinabi niya ay kumurba ang isang ngisi sa labi ni Adlaw. "Simple lang, we'll start with the weakest among them. . . At sino ang pinakamadaling malinlang?"






Nagkatinginan ang apat. Pare-pareho ang taong tumatakbo sa kanilang isipan ngayon.






Sa ilang buwan nilang pinagmamatyagaan ang mga ito, napansin nila ang isang miyembro na laging inaalagaan ng mga kaklase. Sabay-sabay silang napangisi at napatingin sa litrato ng kanilang unang biktima.



"Charlotta Winters. . . "





♤ .-.. --- .-.. ♤

"WHAHAHAHAHA! Lagooooot ka, Cross! Natulog ka sa klase!"




"Punishment! Punishment! Punishment!"




"Yey, punishment!"




Maririnig sa bawat apat na sulok ng classroom ng Solaris Section ang tawanan nilang lahat, nangunguna ang halakhak ng triplets na animong nagvivictory dance pa sa unahan habang tinuturo ang garapon na binigyan nila ng pangalan.




"Heto na! Bubunot na! Bubunot na, sa jar of consequences ~~~" ani nung tatlo habang sabay-sabay tinuro ang garapon at nilapit ito sa mismong mukha ng buryong si Elcross Hanlon.




Tamad lang na bumunot sa garapon si Elcross. Nakapikit pa ang isang mata habang namumungay ang tingin sa mga kaklase. Pagkabunot sa papel, tamad itong humikab bago tinignan ang nakasulat doon.




"Anong sabi? Anong sabi?" excited na pagtatanong ni Sibyl.




Nagkakagulo ang lahat ng mga kaklase nila ngayon, may mga sariling mundo sila kanina na nabalik lang sa ulirat noong mapagalitan si Elcross. Tapos na ang ikalawang klase nila at absent ang pangtatlong teacher nila kaya naman may libre silang oras para gawin ang kahit na ano.





Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon