Chapter 33: Hale's Other Side

166 20 8
                                    


Chapter 33:
Hale's Other Side

~~~

Third Person's POV.


"SINO ANG nagpapabigay nito?"


Kamuntikang mangatog sa takot ang kasambahay ng pamilya ng Ty nang sandaling makaharap ang unica hija ng kanyang mga among usap-usapan ay nuknukan ng pagkasungit.



Mahaba ang kulot na buhok ng babae. Balingkinitan ang pangangatawan at nakaplastar ang pagkairita sa ekspresyon habang nakasukbit ang bag sa balikat nitong may pulang tela sa kaliwa.


"Hindi ko po alam, Ma'am."


Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa bibig ni Zeresh Ty. Anumang oras ay magsisimula na ang klase ngunit dahil may binigay na sulat ang kasambahay ay napurnada ang kanyang pag-alis.


She looked at the black envelope again.



Unti-unting umawang ang mga labi niya.



Logo iyon ng eskuwelahan!



Binalik ni Zeresh ang tingin sa kasambahay  at pinayagan itong umalis na. Dali-dali siyang tumakbo pabalik sa kuwarto tiyaka binuksan ang sobre.



Bakit siya papadalhan ng sulat ng eskuwelahan?


Ayon sa nakalagay dito ay mismong si Mr. Nicholas pa ang gumawa nito.



"What the. . . " tuluyang nanlaki ang mga mata niya.



Makailang ulit niya pang kinusot ang mga mata upang siguraduhin ang nakikita ngunit parehong sulat ang nandoon.



Is the world playing tricks on her?



Muli niyang tinignan ang sulat.



Good day, Miss Zeresh Clauise Ty!      

      I'd like to inform you that you are one of the fortunate students who has been selected to participate in the infamous game that will allow you the opportunity to compete for a spot in the top section of Solis Academy!

Nicholas Del Franco
School Director

Mula sa sulat ay dumako ang kanyang tingin sa itim na barahang nakapaloob sa envelope.



She gulped as she stared at the carved letters.


Congatulations! You have been chosen.



♤ .-.. --- .-.. ♤



Hale Throndsen.



I WONDER where lost people would go if they want to escape both their home and school?


Being pressured in school, everyone looking up to you and watching every bits of move you make is already suffocating enough. Living in a family where your value depends in your achievements and outstanding academic performance made it even worst.



Kung walang medalyang maihahandog? Walang pagmamahal na maililingkod.


Kaya sobra ko talagang hinahangaan 'yung mga taong nagagawang magpatuloy parin sa buhay nila kahit sobrang hirap na. Kahit 'yung mga sumuko, I think they're still brave souls. I hope those people who are fighting their silent battles alone would finally find their solace.



Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon