Chapter 26: Welcome to Isla Solaris.

236 23 17
                                    

Chapter 26:
Welcome to Isla Solaris.

Third Person's POV


MAINGAY ANG buong palapag ng isang cafe 'di kalayuan sa Solis Academy. Kadalasan sa mga nandoon ay nasa matatanda na ang edad o mga college students, class hours palang ngayon at bibihira mo lang makita rito ang mga high school students.




Isang lalaking tahimik na nagbabasa ng libro ang nakaupo sa pinakagilid. Bagsak ang may kaitiman nitong buhok, kasingputi ng suot na maluwang na polo ang kutis niya at animong walang pakialam sa paligid ang mga walang buhay na mga matang may bahid ng eyebags.




"Ang pogi, beh! Kita mo binabasa niya? Pang-detective! Mukhang matalino!"




"Ano kayang ginagawa niya rito? Mukhang college student palang 'yan, ah?"




"Ay, snobberist. 'Di tayo pinapansin, pighati naman!"



"Come to think of it, mukhang pamilyar siya? Parang tiga kabilang city."




On the other hand, a guy in black coat went inside the cafe. Sa init ng panahon ngayon, nakakapagtakang balot na balot ito. The guy is wearing a white longsleeve na rinolyo sa kalahati, itim na face mask at black cap. Parang may pinagtataguan? Kapansin- pansin din ang malamig nitong awra habang tanging ang mga mata niya lang ang makikita sa kanya.





"Where is he?"




Frost Farell glanced at everyone, trying to find the person he's about to meet. Nahihirapan siyang makita ang paligid niya dahil sa suot na cap ngunit hindi naman niya iyon puwedeng tanggalin, baka pagkaguluhan siya ng mga tao. Sikat na sikat pa naman ang artistang miyembro ng Solaris Section.




Nahinto ang mga mata ni Frost sa isang taong nakaupo sa isang tabi at tipid na napangisi. Kaswal niyang hinubad ang coat, sinukbit iyon sa kanang balikat at tinungo ang puwesto nito.




Walang pasabi siyang naupo sa harapan nito. The guy looks like a college student, bagay na ipinagtataka niya dahil ang inaasahan niyang makakausap ay nasa mid 30's na. Saan ka ba nakakita ng isang detective na college student? Ano 'to, detective fiction?





"Erebus Thanatos..." nag-extend ng kamay ang lalaki. Frost could only stare at his hand coldly, walang balak tanggapin ang kamay niya.




"What do you need?"



"As far as I can recall, you're the one who's in need, Freezer."




"Frost." Pang-cocorrect niya. Sa Internet niya lang nakilala ang lalaking 'to pero gano'n ba kahirap alalahanin ang pangalan niya? He's one of the most indemand actor in this generation, halos lahat ay kilala siya!





"Ah. Freezer, Frost. It's the same thing, both are cold." walang emosyong natawa ang lalaki, nagkibit balikat sa kanya. "I found something, wanna know what it is?"





"I already told you to stop digging on her background,"




"But aren't you the one who hired my service?"





Frost stood up, he made sure that the guy in front of him see how uninterested he was. Dapat pala hindi nalang siya pumunta sa cafe na ito, pinagbigyan niya lang naman ang pakiusap nito dahil... kuryuso rin siya sa nalaman niya.





Pero noon 'yon, noong kuryuso siya sa nangyayari sa buhay ng kaklase. He felt ashamed of himself, this was the first time that he invaded someone's privacy. But his curiosity got the best of him.





Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon