Chapter 26.2:
RiddleThird Person's POV.
"A WHISTLEBLOWER?"
Unti-unting napatango si Atlas, bumagsak ang mga mata sa pinaglalaruang kamay. Ang ibang solaris members ay hindi mawari kung sisinghap ba sila o magpapaulan ng tanong. Mukha kaisng nahihiya si Atlas.
"Gusto ng School Director na sabihin ko sa kanya sa tuwing may ginagawa ang section natin na ilegal.."
"Luh? Grabe naman sa ilegal. Mukha ba tayong mga kriminal sa paningin niya?" - Swayze.
"Gusto ni Mr. Nicholas na malaman ang bawat galaw natin at kung sakali mang may binabalak tayong gawin na labag sa school rules?" Paglilinaw ni Zelmira.
Tumango si Atlas.
"But I declined. Hindi ko tinanggap ang offer." mabilis na agap agad ng kanilang rank 3.
"Weeeh?"
Maang silang tinitigan ng babae. Mabagal na umiling at hindi magawang makatingin sa kanila dahil nahihiya siya. Wala naman siyang dapat ikahiya, hindi ba? Ang sabi niya ay hindi niya tinanggap ang offer.
"Ba't di mo tinanggap? Malaki ang suweldo. Sayang." tunog nanghihinayang ang inaantok na boses ni Elcross Hanlon, basta talaga pagdating sa usapang pera ay mulat na mulat ang namumumgay niya pang mga mata.
"Oo nga 'no? Magkano ba ang suweldong in-offer sayo ni Mr. Nicholas?"
"Around 50,000..."
"Ay gago, weh?! Ako nalang! Pasabi kay Mr. Nicholas, ako nalang magiging whistleblower niya!"
"Ew, slapsoil." Inirapan sila ni Yesenia, mayaman naman sana ang pamilya ni Swayze pero kung umasta ito ay parang walang kapera-pera. 'E lagi ngang bago ang branded school shoes nito!
"Atlas, sabihin mo kung naghahanap pa si Mr. Nicholas, ha. Tawagan niya lang kamo ako, fifty thousands din 'yan ---" - Swayze.
Akmang hihirit pa sana si Swayze noong malakas siyang hinampas sa sikmura ni Zel. Napangiwi ito, gusto niya lang naman sana magkapera kaya bakit kailangan niya pang masaktan?
"Edi you're supposed to be like a spy, Atlas-chan? Waaaah! That's soooo cool!" - Chichi.
"Hindi kayo.... galit?" may bahid ang pagtatakang tinignan isa-isa ni Atlas ang mga kaklaseng nakangiwi sa kanya. Nagbabardagulan na sina Zel at Swayze, si Cross naman ay pasimpleng pumunta sa tabi niya para bulungan sa kanya nalang ibigay ang tabahong in-offer ni Mr. Nicholas, may sariling mundo sina Asrani, Crion at Frost, si Hale ay nakangiti lang sa kanya.
"If Mr. Nicholas is persistent about finding a whistleblower, I volunteer." mahinang ulit bulong sa kanya ni Cross, naiisip niya na agad ang perang darating sa kanya sa pagiging whistleblower pa lamang ng klase. Parang naghuhugis puso na agad ang mga mata niyang bored na bored kung tumingin. Hindi biro ang perang suswelduhin niya! Parang dalawang buwan niya na 'yon na sweldo sa convenience store.
"Ampucha, Cross. Seryoso ka ba riyan?" Bulalas ni Raghnell na narinig pala ang binubulong ng rank 10 nila sa babae.
Napaayos ng tayo si Elcross at tumikhim. Saka lang niya napansin na nakatingin na pala sa kanya ang lahat ng kaklase. Umiwas siya ng tingin at pinigilan ang sariling mapanguso. Wala namang masama kung tatanggapin niya ang trabaho. Pera naman kasi 'yon..
BINABASA MO ANG
Highschool Solaris: A Sun's Tale
Ficção AdolescenteTwelve different students. Twelve different personalities. Twelve different stories. One golden class. They never thought that by entering the golden section, they'll gain something more than what they expected. Friendship. Family. Love. But... what...