Chapter 28:
Raghnell's nightmare.
Third Person's POV.
"GOOD MORNING, ISLA SOLARIS!"
Masiglang binati ni Charlotta Winters ang bawat taong nakakasalubong niya. Siya ang pinakahuling nagising kung kaya't mag-isa niyang binaybay ang bulwagan ng bahay, pa-talon-talon sa bawat paghakbang. Naabutan niya ang mga kaibigan sa may veranda na nag-aalmusal na, siya nalang ang kulang doon at si Raghnell.
"Huwaaaaaw! What's that?" Excited siyang naupo sa upuang ipinaghila ni Hale para sa kanya.
"Good morning, Chichi. That's pusit, manggang hilaw. . . and fried rice. You're allergic to seafoods, right?" nakangiting sambit ni Hale habang ini-isa-isa ang mga pagkaing nasa ibabaw ng lamesa.
Ang pritong pusit ay kasalukuyang pinag-aagawan ng bawat miyembro ng Solaris Section. May mga manggang hilaw na nakahiwa sa platito at maanghang na bagoong para sa sawsawan, ilang sunny side up eggs, fried rice at para makumpleto ang kanilang almusal ay naghanda rin ng fresh buko ang matandang si Esmeralda.
"Tangina, bat 'di niyo ako ginising?!"
Sabay-sabay na nahinto ang Solaris Section at kaagad napatingin sa bagong dating na humahangos. Bahagyang magulo ang itim nitong buhok, bukas ang lahat ng butones ng polo, at antok na antok ang nanlilisik na mga mata.
"Hindi ka naman nagpagising. . ." mahinang sambit ni Sylar.
"Puta, akala ko iniwan niyo na ako!"
"Mr Vanidestine, filter your words." sandaling natameme si Raghnell nang madinig ang boses ng matanda, tinubuan siya ng hiya.
He bit his lower lip. Hiyang-hiya man ay mahina na lamang siyang nagsambit ng paumanhin at taas noo na naglakad patungo sa hapagkainan.
Totoong kinabahan siya na baka iniwan na siya ng mga kaibigan, hindi niya alam kung bakit. 'E para kay Raghnell Vanidestine, sanay na siyang mag-isa lagi. Wala sa character niya ang matakot, masyado siyang cool para maduwag na maiwan.
"Dito na muna kayo, kukuha lamang ako ng panibagong kanin."
Ubos na ang pagkain, pero iyong mga alaga ng labing-tatlong kabataang nasa hapagkainan ay mukhang hindi pa nabubusog. Nagkatinginan ang mga ito at sabay na nagtawanan.
"Tang ina niyo, 'di niyo ako tinirahan. " inis na sabi ni Ragh dahil tanging 'yung manggang hilaw lang ang nakakain palang niya, sukat nakipag-agawan pa siya roon kay Sibyl!
"Ang tagal mo kasi magising, akala namin patay ka na."
"Tang ina mo."
Nagtawanan ulit ang mga ito maliban sa yelo trinity, kay Atlas na abala ulit sa pagbabasa ng libro at kay Crion na kanina pa sila kuno't noong pinagmamasdan.
"Oo nga pala, may nangyari ba kagabi?" Diretsang nilagok ni Raghnell ang kanyang buko juice. "Bi. . . nangungot ba ako?"
He was sure that he had a nightmare last night. It always happen, hindi niya lang inaasahan na mawawala ang sleeping pills niya kagabi and he doesn't even know kung paano iyon nawala. Walang butas ang bag niya, siģurado din siya na nilagay niya sa bag ang mga iyon.
"Yup, good thing Charlotta calmed you down." maarteng sambit ni Yesenia.
Ragh's forehead creased. "Chichi? Nandoon kayo sa kuwarto ng boys kagabi?"
BINABASA MO ANG
Highschool Solaris: A Sun's Tale
Fiksi RemajaTwelve different students. Twelve different personalities. Twelve different stories. One golden class. They never thought that by entering the golden section, they'll gain something more than what they expected. Friendship. Family. Love. But... what...
