Chapter 01:
The Solaris SectionThird Person's POV.
"Sibyl Spinster, bumalik kayo dito!"
Umalingawngaw sa buong bulwagan ng Solis Academy ang isang napakalakas na sigaw mula sa humahangos na mga guwardiyang kanina pa hinahabol ang tatlong mga binatang walang ibang ginawa kundi ang mapang-asar lamang silang nginisihan.
"Isusumbong ko kayo sa Dean! Tumigil na kayong mga bata kayo!"
"Samahan ka pa namin magsumbong, tanda. Hehe!"
Natigil saglit ang kasalukuyang hinihingal na si Sibyl dahil lagpas trenta minuto na yata silang naghahabulan. Hinarap niya ang mga guwardiya at matamis na nginitian.
"Habol, mga tanda! Habol! Para sa rayuma!" nagawa pa nitong itaas ang kanang kamay niya na mistulang ineenganyo ang mga ito.
"PARA SA RAYUMA!" pakikisali naman ng ibang estudyante sa gilid.
"Peste talaga kayong mga bata kayo!"
Tulad niya, natigil din sa pagtakbo ang dalawang kasama, kapwa humahangos sa kanilang pagtakbo. Asar siyang hinila pabalik ni Sylar Atienza gamit ang likuran ng collar niya at muling tumakbo paalis
"Ang sabi niyo maghahanap tayo ng chicks, bakit mga guards ang humahabol sa atin? Ang unfair, pre!" mangiyak-ngiyak na reklamo naman ni Swayze Villan habang nag-pa-flying kiss sa bawat babaeng madadaanan nilang tatlo.
Ang bawat estudyanteng nadadaanan nila ay sinusundan sila ng tingin. May ibang natatawa at walang pakialam sa nasaksihang habulan sa pagitan ng tatlong pinaka-pasaway na estudyante mula sa Solaris Section samantalang karamihan ay kinikilig sa kanila. Para sa lahat ng tao sa loob ng Solis Academy, mapa-empleyado man o mga kamag-aral, isa itong ordinaryong senaryo na lagi nilang nakikita araw-araw.
"Imong mama unfair!" ani Sibyl pagkaliko nila sa dulong bahagi ng hallway.
Sinamaan siya ng tingin ng babaero nilang kaibigan ngunit pa-inosenteng ngumiti lamang ito.
"Nandiyan pa ba sila?"
Huminto silang tatlo sa tapat ng isang pintuan at nilingon ang kaninang tinatakbuhan nilang hallway. Napalunok na lamang sila nang sandaling makita ang mga guwardiyang iniisa-isa ang classroom, kapag nahanap silang tatlo ay natitiyak nilang makakaladkad na naman sila patungong detention.
At ang walang katapusang mala-machine gun na bunganga ni Ms. Changena ang magpapabingi sa kanila buong araw. Hay, buhay nga naman.
"Pisteng yawa, kakadetention lang natin kahapon. Sawa na ako sa pagmumukha ni Ms. Changena," napapakamot sa ulong bulong ni Sylar sa kanila.
"Sino ba naman ang hindi? Wala kayang chicks sa detention,"
"Puro ka chicks, mukha ka ng chicken!" giit nito sa kanya pabalik.
"Edi masarap ako? Alam ko na 'yan, pre."
Umaktong tila nandidiri ang dalawa, minsan napapaisip sila kung paano nila naging kaibigan itong si Swayze. Aminado silang mahangin sila pero hindi kasing hangin ng isang 'to.
Parang tuwing bumubuka ang bibig niya ay may paparating na kaagad na bagyong signal no# 5. Unbelievable. Walang makakalamang sa kayabangang tinataglay ng isang Swayze Villan, inborn na yata iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Highschool Solaris: A Sun's Tale
Fiksi RemajaTwelve different students. Twelve different personalities. Twelve different stories. One golden class. They never thought that by entering the golden section, they'll gain something more than what they expected. Friendship. Family. Love. But... what...