Chapter 19.2: Dance-saster (Part 2)

195 22 6
                                    


Chapter 19. 2:
Dance-Saster (Part 2)

Third Person's POV.

"What if I'll say those are the raw ones and not our revised dance steps?"


Paused.


A long silence embraced them.


Everyone gasped.



Beneath her white mask, Asrani's lips curved. She wickedly smirked.


Halos hindi huminga ang lahat habang nakatingin sa dalawang tila pinalibutan ng makakapal na yelo.


The two were locked in a staring contest. Both staring coldly at each other. No one wanted to pull away.


Ngayong gabi, pareho nilang nakumpirma na sila ang pros at cons ng isa't-isa. They are each other's match. Parehong matalino at tuso sa lahat.


"A-anong sinabi niya?" napasinghap si Atlas. Agad nag-alala para sa grades niya sa oras masira ang kanilang performance ngayong gabi.



"She's crazy!" Suminghap si Yesenia.


"Hindi talaga puwedeng pagkatiwalaan ang babaeng 'to." - Raghnell


"Paano na ang performance natin?" - Hale.


"And who do you want to replace my role?" ang malamig na boses ni Frost ang pumuno sa paligid nila, ang mga mata ay tila nabahiran ng pinaghalong coldness at amusement.




Nanlaki naman ang mga mata nila, hindi nila akalaing ganito kabilis kausapin si Frost!


"Sibyl ---"


"ANO? Ako? Asrani naman, alam mo naman na hindi ako sumasayaw. Ordinary lang naman ang dance moves ko. Enebe. Pero dahil mapilit ka, sige na nga." tuwang-tuwang napapalakpak si Sibyl samantalang kunot-noo naman siyang sinulyapan ng mga kasama.



"Not you. Sibyl, tumabi ka, nasa likuran mo kasi siya." Pagpapatuloy ni Asrani kaya sa isang iglap, naglaho ang ngiti ng kanilang rank 9.


Para itong pinagbasakan ng langit at lupa habang nagtawanan naman ang lahat.



"Ayan, ulol. Assume pa," - Swayze.


"Farmer nga talaga si Asrani, matindi kung gumanti. " -Sylar.


"Is it because Sibyl called her Kasalanang Impyerno?" - Hale.


"I may be bitchy sometimes but this girl can be a cold-blooded bitch whenever she wants." - Yesenia.


"Anong sometimes sometimes? Bitch ka lagi, gaga!" - Zelmira.



"Asrani, nakakasama ka ng loob, bibingo ko na sa akin." bumusangot si Sibyl sabay dive sa sofa. Tinakpan ang mukha sa labis na kahihiyan.


"Pero 'di nga, Asrani. Sino ang gusto mong pumalit sa role ni Frost?" 'Di na magawang magseryoso ni Sir Kie dahil napaka-epic nga naman ng itsura ni Sibyl.




"Raghnell."



"Ha? Ako?!" napaturo sa sarili si Raghnelln hindi makapaniwala. "Amputa, ba't ako? 'Yoko nga! Nanahimik lang ako rito, o!"


Asrani looked at him emotionlessly. "Among all of us, you're the only person capable of being the lead dancer. After all of our practice sessions, you're still staying in the practice room. Do I need to explain more?"



Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon