Chapter 14: Elcross

213 26 13
                                    

Chapter 14:
Elcross

Third Person's POV.


"HE'S A COMMONER,"




Diretsong napalagok ng tubig si Swayze at Sylar na pinapagitnaan ng nakataas ang kilay na si Yesenia, napaiwas ng tingin si Zelmira, nanlaki ang mga mata ni Hale, malutong ang pagmumura ni Raghnell at walang kurap namang pinagmasdan ni Charlotta ang likuran ng rank 10 ng Solaris Section.


May mga masasarap na pagkain ang nakahain sa harapan nila, pero mukhang nawalan yata sila ng gana para kainin ang mga iyon sa matinding pagkagulat sa nasaksihan. Ilang minuto na silang nakatitig sa kaklase, tuwing isa-isa itong nagpupunta sa mga lamesa para magbigay ng menu ay gagalaw rin ang mga ulo nila at mas lalong tititigan si Cross.





Kung titignan mo sila ngayon, para silang mga batang paslit na sinusundan ng tingin ang namimili nilang ina sa mall.




"I... I can't believe this," natulala si Swayze.




"All of us can't," sinarado ni Sylar ang bahagyang nakabukas niyang bibig at tumikhim.




Ilang minutong katahimikan ang pumuno sa pagitan nilang pitong kapwa mga hindi parin nakakabawi hanggang ngayon. Mistulang nakalimutan na nga nilang kasalukuyan silang nasa loob ng party,




"Paano ba siya nakapasok sa Solaris Section when he's poor? I mean, hindi lang naman siya ang unang miyembro sa grupo natin na galing sa isang poor family, pero papaanong hindi natin nalaman 'yon?" ang pagbasag ni Yesenia sa katahimikan.




Napakamot sa kilay si Zelmira, hindi niya nagugustuhan ang tono ng boses ng kaklaseng babae. Parang nanghuhusga na naman ito, minsan, may panahon kayang hindi nanghuhusga ng ibang tao si Yesenia Atienza?




"C'mon, hindi naman big deal ang estado ng buhay nila. Ano naman ngayon kung hindi mayaman si Cross? That wouldn't make him less of a person," - Swayze.





"Correctttt! Elcross-kun received my respect, Yesenia-chan! Akalain mo 'yon? Nagagawa niyang makapagtrabaho kahit bata pa siya! He's veryyyyy hardworking!" - Chichi.




"Isa pa, kaya tayo nakapasok sa Solaris Section dahil sa utak natin, hindi dahil sa status ng mga pamilya natin. " - Sylar.




"Kung kailangan mayaman ka para makapasok sa Solaris Section, parang sinabi mo na rin na mga bobo tayo at binabayaran lang ng mga mapepera nating magulang ang school director. " - Raghnell.




Yesenia frowned at them, sa isipan niya tila'y pinagtutulungan siya ng mga ito at pinapalabas na mababa ang tingin niya sa mga taong katulad ni Elcross Hanlon. Hindi naman kasi iyon ang point niya pero pinagmukha pa siyang masama ng mga kaklase.




"That's not my point, okay? I know that I'm higher than anyone else kaya wala akong pakialam sa status niya sa life. Ang point ko lang ay paano niya iyon nagawang itago sa atin? Did he use some sort of magic?"




Because of that, napaisip din ang iba at napatingin ulit sa puwesto ng busy sa pagbibigay ng drinks na si Elcross. Hindi ito ang unang pagkakataon na may kaklase silang hindi parte ng alta-sociedad, si Atlas Woods ay hindi rin naman kasing-yaman nila at scholar pa ng Academy, pero ibang case si Atlas. Kahit lumaki sa hirap ang kanilang rank 3, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang yamang mayroon ang grandmother nito sa father side.




Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon