Chapter 16: Mentor

244 28 21
                                    

Chapter 16:
Mentor.


Third Person's POV.


"A THEATRICAL DANCE?!" The entire Solaris Section uttered in unison.


Nabitawan ni Zel ang hawak na papel.


Nanlaki ang mga mata nina Hale at Chichi.


Napapalakpak ang triplets.

Tumaas ang kilay ni Yesenia.


Magkasabay na kumunot ang noo nina Cross at Atlas.


Napamura si Raghnell.

Kalmado lamang na sumandal sina Asrani at Frost na siyang unang nakaalam ng kasagutan sa code na binigay ng kanilang teacher.


"T-they want us to do... a theatrical d-d-dance?" magkanda-utal-utal na sabi ni Atlas, puno ng kaguluhan ang ekspresyon na pinapakita habang ginagapangan ng kaba ang dibdib.


Makipag-usap pa nga lang ng hindi nauutal sa ibang tao, hindi niya na magawa. Magperform pa kaya sa harap ng napakaraming estudyante, guro at kahit na sino?! At talagang theatrical dance pa! Not just a mere dance, pero mala-theater!


"Anak ng ---?! Anong kabaliwan 'yan?!"


Nahampas ni Raghnell ang kanyang desk, lukot ang noo nito at napakasama ng tingin sa papel.


"Gusto nila tayong magkaroon ng theaterical dance...?" 'di siguradong sambit ni Hale na may alanganin na ngiti.


"O baka naman iyon lang ang lesson natin ngayong araw?" pilit na pinapakalma ni Zelmira Andriette ang sarili. As much as possible, ayaw niya munang magjump into conclusions.



"Pre, pre! Alam niyo na, magpapakitang gilas na tayo sa kantahan!" bulungan ng nagtutulakang triplets.



Sinamaan nilang lahat ng tingin ang tatlo pero nagpeace sign lamang ito at hindi sila pinansin. Bakas sa mukha ng tatlo ang labis na excitement, ni-hindi man lang nabahiran ng kaba ang sistema nila. Parang siguradong- sigurado sila na magiging maganda ang performance nila.


"Why are we even over-reacting? C'mon. Hindi naman na bago ito sa atin, right?" ngumisi sa kanila si Yesenia.


May punto rin naman siya. Magmula elementary pa ay uso na sa school nila iyong mga performances na 'yan, mapa-sayaw sayaw man o mga ibong adarna hanggang sa walang kamatayang Florante at Laura. Isama na rin natin 'yang Romeo and Juliet at iba pa. Ngayong parte sila ng ginintuang seksyon ng Solis Academy, natitiyak nilang marami ang nag-e-expect na magiging madali lang para sa kanila iyong Theatrical Dance na 'yan.



"Guys, ano ba. We are the Solaris Section, of course, piece of cake lang sa atin ang magperform. We'll show them kung gaano tayo nakakaangat sa lahat at kahit kailan hindi nila tayo malalagpasan," Yesenia smirked, her face was confident as always. "Like ano pa ang sense na naging parte tayo ng golden section na 'to kung matatalo lang tayo basta-basta ng mga lower sections, diba?"


"Napaka-yabang talaga ng babaeng 'to. Grabe, hindi ko kinakaya kayabangan mo. Dapat sayo pinapabaril sa Jupiter," - Zelmira.


"Huh? Hindi ba't dapat sa Luneta 'yon?" - Hale.


"Bakit? Bayani ba 'yang punyetang 'yan?" - Zelmira.


"Luneta at punyeta. Rhyming 'yon, ah?" Bumungisngis si Sibyl pero hindi siya pinansin ng mga kaklaseng busy sa pakikipag-away sa isa't-isa. Napangiwi na lamang ang rank 9 nila at napayakap sa sarili. "Okayed. Ignored ako. Awts gege."


Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon