Chapter 27.2: Forgiveness

348 31 35
                                    

Chapter 27.2:
Forgiveness



Third Person's POV.


"Goodnight, tae ko."



Lumawak ang ngisi ng binatang si Swayze noong makita ang pagkunot ng noo ng dalagang malapit na siyang sunggaban ng sakal anu mang oras.



"Peste ka talagang lalaki ka," inangat ni Zelmira ang kamay niya, kanina pa niya ito gustong hampasin ng upuan sa kakulitan nito. Halos magdikit ang dalawang kilay niya sa pagkairita.



Bago pa man tuluyang mahampas ng dalaga si Swayze ay agad na itong nagtago sa likuran ng patawa-tawa lang sa tabi nilang si Hale. Mas lalo tuloy siyang nairita dahil alam ng lalaki na hindi niya magagawang hampasin ang anghel nilang kaklase.



"Hep! Hep! Sabi ni Hale, 'di ba new start? Hale, oh. Hindi isinasapuso ang mga sinasabi mo."




"Hale, utang na loob at labas, ilayo mo na sa akin ang bwisit na 'yan." giit ni Zelmira sabay wasiwas sa ere ang nakakuyom niyang kamao.




Seryoso, kung wala lang ngayon sa harap niya ang kanilang rank 5 ay paniguradong kanina pa niya nasapak si Swayze. Kasalukuyan na kasi silang nasa tapat ng pintuan ng kanilang kuwarto at handa nang matulog, pero itong isang 'to ay sadyang maharot kaya matutulog nalang kinailangan pang humarot.




"Grabe ka naman sa akin, Tae ko!" Sumilip ang mukha ni Swayze mula sa gilid ng anghel na ginagawa niyang shield. "Mahal na mahal din kita, Zelmira. Hindi nila tayo mapaghihiwalay --"




"Tangina ka, anong kalandian 'to, Villan?"



Nakasimangot niyang nilingon si Raghnell na diretsong pumasok sa loob ng kuwarto ng mga lalaki. Karamihan sa kanila ay nasa loob na ng kanilang mga silid.




"Mag-go-good night harot lang, eh." bumaling ulit sa kanya si Swayze sabay flying kiss. Ngising-ngisi ito noong hinila nung dalawang matalik niyang kaibigan, makailang ulit pang tinawag ang 'endearment' nilang dalawa.




"Pucha. Kakilabot." lukot ang mukhang pumasok sa silid ng mga babae si Zelmira at pagod na pagod na lumundag sa kama. Tinakip niya ang unan sa kanyang mukha at iritadong pinadyak ang mga paa sa ere.




Kailan ba maiintindihan ng Swayze Villan na iyon na wala akong gusto sa kanya? Lintek!




"Waaah! Zelmira-chan, tabi tayo!"




Lumabas mula sa pintuan ng cr si Chichi. Nakasuot ito ng pink na bathrobe, may towel na nakapulot pa sa ulo niya. Katulad ng kanyang amo, gano'n din ang damit na suot ni Mr. Chuchu. Animong lamig na lamig pa ang alaga niyang sisiw sa lakas ng aircon.




"Sinong nagbukas ng aircon? Pahinaan niyo. Kulang nalang magsnow dito. "




"No way. Ang init init kaya," tili naman ni Yesenia na abala sa paglalagay ng skin care routine niya. Para sa kanya, mainit pa ang lagay ng sobrang lamig na silid. Laking aircon kasi ang isang 'to at sanay na sanay na siya sa malamig.




"Shhh! Tulog na si Atlas-chan," puno ng ingat na nag-tiptoe si Chichi patungo sa rank 3 nila at sinilip ang mahimbing na natutulog nitong itsura. "Wah! She's so cuteeee!"



Nakayakap si Atlas sa isang hotdog pillow, nakadantay ang paa nito sa paa ni Zelmira habang bahagyang tumutulo pa ang laway sa gilid ng bibig. Mukhang pagod na pagod ito dahil narinig din nila ang mumunting hilik ni Atlas. Kahit kailan, hindi nila naisip na kung gaano ka-organize ang babae kapag gising, gano'n din naman pala ito kagulo kapag tulog.




Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon