Chapter 12: Ready, set, gamble!

251 27 5
                                    

Chapter 12:
Ready, Set, Gamble!

Third Person's POV.

"SAAN KA NANGGALING?!"

Tahimik ang gabi. Kadalasan sa mga oras na 'to, mahimbing na natutulog ang bawat pamilya sa kani-kanilang bahay. Pero ang katahimikan ng isang marangyang subdivision ay nabulabog noong makaring ng mga sigaw sa loob ng tahanan ng isang kilalang pamilya.

According to the head organizer of the subdivision, pamilya ng mga artista ang nakatira rito. Parehong galing sa mayamang angkan ang mag-asawa. Isang CEO ng kilalang Entertainment company ang lalaki at ang asawa naman nito ay isa sa mga most in-demand actress, noong araw pa ay isa rin itong model na kasabayan ang mga kilalang models sa ibang bansa. Hindi lamang iyon, maging ang nag-iisang anak nitong lalaki ay mula sanggol palamang ay naexpose na sa mundo ng showbiz, isa itong child actor na nakatrabaho na ang magagaling na mga artista.



The family is successful, yet parang hindi ang mga ito masaya sa mga natatamasa. Naiingayan man, hindi na lamang nagreklamo ang mga kapitbahay. Bukod sa wala silang laban dahil napakayaman ng pamilyang ito ay nasanay na rin sila sa mga ingay, ayon pa sa madalas na napagkukuwentuhan ng mga kapitbahay ay iyong bata ang kawawa sa pag-aaway ng mag-asawa.

Gabi-gabi, kaliwa't kanang sigawan ang maririnig. Bihira ang mga pagkakataong wala kang maririnig na ingay mula rito, madalas ay sinasabayan pa iyon ng mga pagkabasag ng mamahaling kagamitan.

"Son of a bitch, Alvarro! If you can't respect me as your wife, then respect our son. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng anak natin sa oras na malaman niyang pumupunta ka sa ikalawa mong pamilya habang halos magkulang ka ng oras sa kanya?!"

Pulang-pula sa galit ang matriach ng pamilyang Farell habang nanatili namang kalmado ang asawa nito na walang emosyon lamang siyang tinignan.

"Anak mo lang, hindi ko anak ang batang 'yon."

Muli, isang nakabibinging ingay ang narinig sa buong kabahayan. Sinundan iyon ng walang hanggang pagmumura na gabi-gabi na yatang naririnig ng lahat.

Napatakip ng kanyang tenga ang pitong taong gulang na si Frost. Gustuhin man niyang bumalik sa kuwarto at muling matulog pero hindi niya magawa, ang sigawan ng magulang niya ay halos naririnig niya kahit sa panaginip.

Lumandas ang kanina pang pinipigilan niyang luha, dinig na dinig niya kung paano siya itanggi ng ama sa mismong harapan ng Mama niya. Ilang beses niya na itong naririnig pero laging kumikirot ang dibdib niya sa tuwing sinasabi nito na hindi siya anak ng Papa niya.

He's his son, his mother told him that. Magkamukha sila ng Papa niya, but why is he denying him? Hindi ba siya mahal ng ama?

He then glanced at the medals, trophies and awards na nakasabit sa dingding. Lahat ng iyon ay sa kanya. He's a well-known child actor, nangunguna rin siya sa eskuwelahan at sikat na sikat siya sa buong Pilipinas.

But with all the achievements he have. . . bakit parang hindi parin iyon sapat?

Bakit hindi parin siya magawang ipagmalaki ng ama?

Kailangan niya pa bang maging top 1 sa klase? Pagbubutihan niya. Kailangan niya bang magkaroon ng malaking project sa showbiz? Mageensayo siya nang mabuti.

Just. . . just so he could feel his Father's love. Kahit kakarampot. . . kahit tira-tira.


Just so he could have the happy family he have always begged for.


Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon