Chapter 32:
Once Upon A Chirstmas~~~
Third Person's POV.
"Sa wakas, natapos din ang hell-week na 'to!" bulalas ni Swayze pagkalabas ng classroom.
Ito ang huling araw ng kanilang quarter exam. Halos isang linggong matuyo ang utak nilang lahat sa hirap at dami ng mga pagsusulit, mahirap na nga ang exam ng mga estudyante sa Solis Academy, tila naging triple pa 'yon sa hirap pagdating sa kanila na parte ng pinakamataas na section sa eskuwelahan.
"Sibyl, pakicheck nga kung may utak pa ba ako." sunod na lumabas ang dalawang matalik niyang kaibigan.
Katulad ni Swayze, mukhang nahirapan din ang dalawa. Si Sylar na madalas ay patawa tawa lang sa isang tabi ay ngayong sapo ang ulo. Hindi naman sila na-inform na magkaka-earthquake, tsunami at alert level 6 disaster pala ang utak nila dahil sa exam!
"Gago, huling exam palang pero 'yung utak ko nagbabakasyon na." ani Raghnell.
Sabay na tumango ang tatlo sa kanya. Dahil hindi pa naman lumalabas ang ibang mga kaklase ay naupo muna sila sa labas ng classroom at pinagmasdan ang mga dumadaang estudyante sa kanilang harapan na mga kapwa mukhang problemado rin.
"My head hurt, I think kailangan kong pumunta ng Spa mamaya." isa-isang nagsilabasan ang karamihan sa mga kaklase nila.
Bakas sa mukha ng mga ito ang hirap, lubog ang eyebags at tila walang tulog nang ilang araw. Namulsa si Zelmira at nagkibit- balikat sa kanila.
"The exam is not that hard,"
"Girl, just because you had it easy doesn't mean you can already invalidate our suffering, okay?"
"Guys, chill." bago pa man magkainitan ang dalawa, namagitan agad si Hale. "Ahm, if you're having a hard time with the lessons, we can have a group study."
"Hale, utang na loob at labas, awat na muna tayo sa pag-aaral. Tignan mo nga si Elcross, nasa dreamland na agad ang utak."
Lima na lamang ang natitira sa loob ng classroom. Si Asrani na kasalukuyang tumayo na at pinasa ang papel niya sa teacher, si Frost na dali-dali rin pinasa ang testpaper at inunahan ang babae sa paglabas ng classroom para pagbuksan ito ng pinto, si Atlas na seryoso sa pagsasagot, si Chichi na kausap ang sisiw nitong parang na-istress din sa exam nila at si Elcross na nakayuko, tulog na tulog kahit hindi pa man napapasa ang pagsusulit.
"Hanga rin ako sa utak ng isang 'yan. Laging tulog pero mataas parin ang score lagi," ani Sibyl.
Naiintindihan naman nila kung bakit ito laging natutulog, Elcross is working at night shift, tuwing class hours lamang yata ito nakakakuha ng pahinga.
"Howdy, mah friends! What's your plan for the christmas break?" biglang sumulpot si Charlotta sa likuran nila na may malaking ngiti sa labi.
"Chichi! Gusto mo ba kaming atakihin sa puso?"
"Oh, I'm sorry, friends ~~ I was just too excited! Mama said we will go to disneyland, yey!"
BINABASA MO ANG
Highschool Solaris: A Sun's Tale
Novela JuvenilTwelve different students. Twelve different personalities. Twelve different stories. One golden class. They never thought that by entering the golden section, they'll gain something more than what they expected. Friendship. Family. Love. But... what...