Chapter 06: Revealing Her Face

308 31 2
                                    

Chapter 06:
Revealing her face.

Third Person's POV.

Napupuno ng napakalakas na tawanan ang buong palapag ng isang luma at abandonadong gusaling pinapalibutan ng naglalakihang mga lalaki. Kung titignan ng maigi, kahit sino maiisip agad na napakadelikadong pumasok o kahit mapadaan man lang sa gusaling ito.


Hanggang tatlong palapag ang building. Namumuo ang mga sapot at alikabok sa paligid, puno naman ng mga tao ang bawat palapag at kahit saan mo tignan, nakakalat ang samu't-saring baraha sa lamesa man o kahit sa sahig. May ibang naninigarilyo sa isang tabi at nag-iinuman pa.


"Talo ka ng sampung libo, bata!" nakangising hinampas ng isang lalaki ang lamesa habang tila'y isang haring nakaupo sa upuan niya. Nasa likuran niya ang tatlong lalaking tauhan niya at kaharap naman ang nanlulumong isang estudyanteng nakasuot ng Solis Academy uniform.

"D-dinaya niyo ako! Nakita kong pinalitan niya ang baraha, mga mandaraya kayo!"

Napaluha ang lalaki, ilang beses nitong dinuro ang mukha ni Buris Go na tanging mapanguyam na halakhak lamang ang sinagot sa kanya. Sa isip-isip niya ay ilang beses niya ng ininsulto ang kaharap, napakatapang nga naman talaga ng loob ng mga tiga-Solis Academy palibahasa'y kilala at napakasikat ng school nila.

"Alam mo bata, may dalawang nangyayari sa bawat taong pumapasok sa loob ng gusaling ito. Una, uuwing talunan at walang kahit sentimong pera.... at pangalawa... hindi na nakakauwi pa,"

Puno ng yabang na inangat at pinatong ni Buris ang magkabilang paa sa ibabaw ng lamesa. Kampante siyang kahit magwala ang lalaki ay hindi siya masasaktan nito dahil nasa likuran niya ang mga naglalakihang tauhan at isa pa... paano manlalaban ang lampa-lampang lalaki kung kasalukuyan itong nangangatog sa takot habang nakatingin sa kanya?

Malaking tao si Burus Go, triple naman ang laki ng mga tauhan nito kaya kahit sino ay hindi magkakamaling banggain ng grupo nila. Tanga na nga lang siguro ang manghahamon sa kanila. Unless sobrang desperado mo na talagang magkaroon ng pera at handang kumapit sa patalim.. pero gugustuhin mo bang mabugbog hanggang sa malagutan ng hininga?

"Ilabas niyo na nga 'yan! Walang kuwenta,"

Dalawang lalaki ang lumapit sa estudyante ng Solis Academy. Halos maihi sa sariling pantalon ang lalaki at ilang beses na nagmakaawang bigyan pa siya ng isang pagkakataon, kailangan niya ng pera! Tiyak na papalayasin siya ng pamilya niya sa oras na malaman ng mga itong natalo siya sa sugal.

Pero tanging mga malalakas na pagtawa lamang ang sinagot sa kaya ni Buris Go, nagawa pa nitong iwagayway sa ere ang kamay at parang nagpapaalis ng mga langaw. Ngising-ngisi niyang inamoy ang perang napalunan niya. Sampung libo rin iyon, puwede na pang-bili ng mga alak na ginagawa niya lang na isang tubig.

"Kaya gustong-gusto kong pumupunta rito ang mga tiga-Solis Academy, 'e. Sa academics lang matalino pero mga uto-uto," inamoy niya ang pera. Halos maghugis puso ang mga mata ni Buris, sino nga ba naman ang hindi matutuwa sa pera? "Tiba-tiba pa ang napapalanunan."

"S-sandali! Isang pagkakataon pa!"

Sigaw ng sigaw ang natalong estudyante ng Solis Academy habang kinakaladkad siya ng mga tauhan palabas ng building. Pinagtitinginan sila ng bawat taong nadaraanan nila pero karamihan ay hindi gustong makialam. Naaawa man para sa lalaki, walang may lakas na kalabanin si Buris Go.

Dalawa lang naman kasi ang nangyayari sa oras na pinakialaman mo ang hari ng Baraha House. Una, ikaw ang magiging alay, ang magiging punching bag ng grupo ni Buris Go. At pangalawa, habang-buhay nilang gagawing miserable ang buhay mo hanggang sa ikaw na mismo ang humiling na sana'y malagutan ka ng hininga.

Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon