Chapter 13: His open secret

235 26 9
                                    

Chapter 13:
His open secret.

Third Person's POV.

"TWINKLE, TWINKLE, little star. How I wonder what you are, up above the world so high. Like a diamond in the sky ~~~"


The seventeen year old Charlotta Winters was happily humming a nursery song, nakangiti siyang nakaupo sa harapan ng punong-puno ng mga stickers na parisukat na salamin. Nasa likuran niya ang kanyang nakatayong ina habang maingat nitong sinusuklayan ang napakahaba at buhaghag niyang buhok.


"Charlotta, ayaw mo ba talaga pagupitan ang buhok mo?" tanong ng ginang. Malapit na kasing maputol ang pinangsusuklay niyang hairbrush rito. "We can go to the parlor muna, anak."


"Noooo, Mommy. The monsters will get me if I'll cut my hair!"

Sinapo ng dalaga ang magkabilang pisngi, ang mala-manika niyang mga mata ay nagniningning sa excitement. Kasalukuyan siyang nakasuot ng maluwang na pink formal dress, ang mga ribbon sa kanyang magkabilang balikat ay pinaglalaruan ng alagang sisiw at kanina pa siya natutuwa sa binigay na chicken hair clip ng ina.



Matamang tinitigan ni Chichi ang sariling repleksyon. Na-kyu-kyut-an siya sa kanyang suot pero bakit parang hindi bagay sa kanya iyong damit? Napabuga siya ng hangin nang maisip ang kanyang mga bilbil sa katawan na nahahalata pa rin kahit nakasuot siya ng maluwang na damit. What can she do about it? She loves eating.


"Mommy! Mommy, look, Chu-chu is soooo handsome ~~~" hinarap ni Chichi ang alagang sisiw sa ina, nakasuot ito ng mini-tuxedo at balak niya ring isama ang alaga sa pupuntahang party.


"He is, Charlotta." mahinang kinurot ng ina ang kanyang pisngi.


Kilala bilang mabait na ginang si Mrs. Winters, lalong-lalo na pagdating sa nag-iisa nilang anak na si Chichi. Kaya naman spoiled na spoiled ang dalaga sa pamilya nila, hanggat sa maaari ay gusto nilang ibigay ang lahat ng gugustuhin ng anak. Bagama't may katandaan na ang ina, hindi mo parin maitatanggi ang gandang tinataglay nito na lubos na hinahangaan ni Chichi.


Para sa kanya, ang mama niya ang pinakamagandang babae sa mundo at sumunod naman rito si Yesenia-chan niya! Tapos si Zelmira and then si Atlas at Asrani! Ahhh~~ she thinks every girl is pretty! Maliban na lamang kung sarili ang tatanungin.

Minsan, lagi niyang naiisip na baka ampon lang siya ng mga Winters dahil siya lamang ang naiiba sa kanila. Her parents are both good-looking, mababait ang mga ito at sikat sa lahat ng mga tao dahil laging laman ng mga charities. Ang kanyang dalawang babaeng pinsan naman ay parehong model kahit hindi nalalayo ang edad sa kanya, hinahangaan ng mga kalalakihan at kinakaibigan ng mga marami dahil sa ganda at kasikatang mayroon sila. Habang siya?



Kahit gawing kaibigan ang lahat, wala parin ang nagiging totoo sa kanya, walang may gusto sa kanya bilang maging tunay na kaibigan...


"'My, ampon po ba ako?" nakanguso niyang tanong. Naging walang buhay ang masisiglang mga mata.


Ito na ba 'yung part kung saan sasabihin sa kanya ng ina ang katotohanan? Katulad doon sa napanood niyang isang commercial sa tv, iyong biglang naging baso at rc ang bawat miyembro ng isang pamilya. Isa ba talaga siyang rc? O baka naman mountain dew talaga siya kaya ampon siya ng magulang? Kung ano-ano na ang kanyang mga naiisip, mga out of this world na mga senaryo tungkol sa pagiging tunay niyang anak. Pambihira ka talagang babae, Charlotta Winters.



Agad umiling si Mrs. Winters, natatawa dahil ilang beses na iyon tinanong ng unica hija ng mga Winters magmula ng magkaroon ito ng tamang kaisipan.


Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon