Chapter 09: Group Project

323 26 6
                                    

Chapter 09:
Group Project

Third Person's POV

"HINDI BA KAYO nagtataka?" tukod ng kanang kamay ang mukha habang hindi mabilang kung ilang beses na napabuntong hininga ang rank 7 ng Solaris Section. As usual na naman ay nakatitig ito sa gawi ni Zelmira kahit kanina pa siya sinasamaan ng tingin ng babae.

"Nagtataka saan? Kung bakit sobrang cute ko?" bumungisngis si Sibyl. Umakto namang tila nasusuka ang katabi nitong si Sylar saka binatukan ang palabirong kaibigan.

"Alam mo, pre. Kyut ka talaga 'e, kuyutot nga lang."

"Awts gege," bumusangot siya. "Wandat, hahampasin kita sa mukha."

Sabay na nagtawanan ang dalawa, nagsipain pa sa kani-kanilang upuan hanggang sa parehong nahulog sa sahig. Mga buang.

"Ang cocorny niyo! So cheap!" napairap ang rank 11 nila, busy ito sa paglalagay ng Sisley's L'Orchidée Highlighter Blush sa puno ng make-up niyang mukha. Napakaputi na naman kasi ng mukha nito, tila'y naging coloring book na.

"Sylar, isa na lang sa akin 'yang kakambal mo. Papasok ko na 'yan sa oven tutal mukha namang espasol,"

"Excuse me? Make ups ang tawag dito. Duh? Palibhasa'y ignorante,"

May panahon kayang hindi mag-aaway ang dalawa? Everyone doubts that. Parang nakaukit na sa tadhana na laging magkakaroon ng argumento si Zelmira Andriette at Yesenia Atienza. Pareho silang apoy na ayaw magpaawat, mas lumiliyab tuwing nagkakadikit at walang gustong magpatalo.

"'Wag ka lang mamimigay pagkatapos mo siyang lutuin, ha, magkaka-instant food poison." nagkibit-balikat lang ang kapatid nito, animo'y hindi sineseryoso ang banta ng kaklase.

Hallelujah. Napakabait mong kakambal Sylar Yeshua.

Everyone heaved a sigh.

As usual, parehong senaryo lang ulit ang makikita mo sa loob ng classroom nila. Tanging ang triplets ang nagiging source ng ingay, tahimik ang karamihan sa kanilang mga kaklase at nadadagdagan lang ang ingay nila tuwing nagbabangayan ang rank 11 at rank 4 nila habang nakikipaglaro naman si Chi-chi sa kanyang sisiw. Atlas and Hale were quiet sa isang tabi, mga parehong busy sa pagbabasa ang dalawa. Samantalang iyong tatlong bato ay tila may mga sariling mundo. Magpaparty talaga sila sa oras na lumagpas sa sampung salita ang sasabihin nung tatlo.

Pero may kulang sa kanila ngayon. Hindi pa dumadating ang kanilang rank 12. Kanina pa nagsimula ang klase at third period na para sa ngayong araw kaya hindi na sila umaasa pang papasok ang kaklase nilang laging laman ng mga gulo.

Isinara ni Hale Throndsen ang kaninang binabasang libro. Halos memoryado niya na ang lahat ng nandoon kaya'y napasandig na lamang siya sa upuan at nilingon ang kaklase nila, nakangiti na naman gaya ng dati.

"Nagtataka saan, Swayze?"

"Sa mga nakakuha ng blackholes card!" sagot niya saka napailing. "'Di niyo ba napapansin? Hindi sila nagpaparamdam. Ang weird..."

May point si Swayze. Nakakapagtaka nga naman talaga. Ilang araw na ang nakalipas magmula noong inanunsyo ng Director ng Solis Academy ang tungkol sa 'palaro' nito pero hanggang ngayon, kahit anino man lang ng mga estudyanteng may tyansang makapalit sa kanila ay wala silang maramdaman. Natakot na ba ang mga ito?

"Oh my! Baka mga ghosts sila, Swayze-kun! Tapos nasa paligid lang natin sila, they're spying us!" luminga sa paligid si Chichi sabay yakap sa sisiw niyang may ribbon sa ulo.

Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon