Chapter 18: H and the rank 11

256 30 42
                                    

Chapter 18:
H and the rank 11

Yesenia Atienza.


Have you ever felt that you're worthless? Have you ever felt that no matter how you try, no matter how you do your best to get their attention and love, at the end of the day, you're still a mere worthless rock in their eyes?



'Cause everyday, that's what I feel. That's what my own family make me feel. The least favorite child.


Favoritism. I hate it.


So much.




"Mom, may performance kami next friday. Can you come?" my hands were shaking as I sat down on the dragon's chair. Breakfast ngayon at laking pasasalamat ko na umuwi sila, mabibilang ko lamang sa daliri kung ilang beses ko silang naabutan sa bahay.



"Hmm.. Let me think about that, Yesenia. Kasali ba riyan ang kakambal mo?" binaba ni Mommy ang hawak na kutsara at mahinhin na pinunasan ng table napkin ang bibig.




"Uh, yes. By section po kasi iyon," ngumiwi ako.



Si Sylar na naman?




Sunod naman akong tumingin kay Daddy, nasa tabi lang siya ni Mom at tahimik na kumakain. Usually, ang ama ng tahanan ang laging nasa sentro ng hapagkainan but our household is different, magmula ng lumaki ako, napansin ko na sa pagitan ng mga magulang ko ay higit na mas may kapangyarihan si Mommy sa kanilang dalawa.




I don't know kung pinapagbigyan niya lang talaga si Mom kaya siya sunod-sunuran dito or what. Basta ang alam ko lang, none of us can defy my mother's words, not even her own husband.




The breakfast didn't take long enough, nasa kalagitnaan pa nga lamang kami ng almusal ay nagpaalam na agad ang mga magulang namin dahil sa emergency meeting sa kumpanya. Ano pa ba ang pinagbago?



Nagbuga ako ng hangin bago napatingin sa labas ng dining area namin. There, I saw my own brother habang nakasandal doon at hinihintay na tuluyang makaalis ang parents namin.



"Bakit ba laging ayaw mong sumabay sa breakfast?" naiinis kong wika. Sa ginagawa niya, mas lalo lang akong napapasama sa paningin nina Mom. Baka isipin nila, inaaway ko si Sylar at inutusang huwag sumabay sa amin.



"Lagi akong na-le-late ng gising 'e," palusot niya.


"Whatever!" tumayo na ako.


"Papasok ka na? Sabayan mo muna akong mag-breakfast, Nia. Uy!"




"Duh, I'm on a diet." umirap muna ako sa kanya bago tumalikod. Seven o'clock palang ng umaga and base from my calculation, for sure wala pang ten minutes ay nasa school na agad ako. Too early, pero whatever.



"Diet diet pa, magiging kalansay naman tayo kapag namatay na." pakinig kong bulong ni Sylar bago kumuha ng pancake at kinagatan iyon, nagmamadali para masabayan ako sa sasakyan.



"Ew. Can't you eat properly?" muntik pa siyang mabulunan diyan, ang magkabilang pisngi ay halos lumobo sa sobrang daming laman ng bibig. Seriously, hindi ba nito alam ang right etiquette? Asal taong gubat lang?




"Shandali langsh! Shashabay ako shayo!" pilit niyang nilunok ang lahat ng pagkain saka mabilis na ininom ng isahan ang hot chocolate niya. Lumawak ang ngiti niya sa akin at patalon-talon akong hinila sa kamay. "Tara na!"




Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon