Chapter 31: Punishment

158 22 19
                                    

Chapter 31:
Punishment




Swayze Villan.





"Tang ina mo, gago. Duwag amputa," kastigo ko sa sarili ko





Namomroblema akong napabuntong hininga bago inangat ulit ang kamay ko para kumatok pero agad ko rin naman 'yon binaba.





Ilang oras na akong nakatayo sa tapat ng pintuan, tulala lang at paulit-ulit doon. Tuwing may lumalabas mula sa kuwarto, para akong tangang nagtatago sa mga halaman.





Ba't ba kasi pumunta pa ako rito?





Nag-a-aksaya lang ako ng oras.





"Sir Swayze?" napabaling ako sa likuran ko.






Huli na ang lahat para magtago pa ako roon sa malaking vase sa tabi ko, kahit naman yata magtago ako roon ay makikita parin ako ni Honey. I awkwardly smiled at her.





"Honey. . ."





"Sir Swayze! You're here, " lumiwanag ang mukha niya. "Ano pong ginagawa niyo rito sa labas?"





"Ah, napadaan lang."





Shit. Shit. Shit. Sa ngalan ni St. Hale, nawa'y gabayan mo ako.





"Huh? Nasa beach resort po tayo, Sir. Papaanong napadaan ka lang?" bigla'y ngumiti siya ng nakakaloko. She immediately cling into my arm at ginulo ang buhok ko kahit nagpupumiglas ako.






Minsan talaga, ang sarap ibalibag ni Honey.  Paniguradong mang-aasar na naman 'to, mas malala pa siyang mang-asar kina Raghnell.






"Sus! Nandito ka po siguro para makita si Ma'am Ayesha, 'no? Kanina nga po, hinahanap kita sa simbahan kaso wala ka naman. Buffet lang ba ang pumunta mo rito, Sir?" natatawang sabi niya.





Siya lang 'yung kilala kong magalang parin kahit pasmado ang bibig.





"Makikikain lang ako." muli kong tinignan ang pintuan. "N-nasa loob ba siya?"





She nodded. "Opo, kasama ang mga kaibigan niya. You should go inside, for sure ay matutuwa siyang makita ka, Sir Swayze."





Matutuwa? Imposible.





I don't wanna ruin her mood, especially in the most special day in her life





Ang kasal niya.





Ang kasal ng babaeng mahal na mahal ko.




"O! Mukhang palabas na ang mga kaibigan ni Ma'am Ayesha, Sir. Puntahan mo na!"





'Di pa man ako tuluyang nakakabawi, bumukas ang pintuan at lumabas doon ang tatlong nagtatawanang babae. Magtatago na sana ako sa likuran nitong vase pero huli na ang lahat dahil nagtama ang tingin naming dalawa.






Kitang-kita ko kung paano nawala 'yung ngiti niya, nabakasan ng gulat 'yung mukha niya.






I felt a sudden pang in my chest. Kahit kailan talaga, napakasinungaling nitong si Honey. Kahit tuloy kakarampot, umasa akong matutuwa siya na makita ako.





Kaso mukhang baliktad 'yon.





"S-swayze?" binalik niya ang ngiti niya. "Come here inside. Buti nakarating ka,"





Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon