Chapter 10: Tough Facade

311 25 3
                                    

~~~~~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~~~~~~

Chapter 10:
Tough Facade.


Atlas Woods.



PROJECTS WERE mostly fun for me kahit gaano pa man iyon nakakadugo sa utak at napakadaming kailangan ayusin. Bakit? Simple lang, dahil doon ko nagagawang mailabas ang lahat ng kinikimkim kong stress at pressure mula sa school works at pagiging parte ko ng Solaris Section.


Pero minsan, may ibang projects na ayokong gawin. Iyong group project. Iyong kailangan mo pang makihalubiho sa iba at pagtiisan silang kausapin para sa alang-alang ng proyekto niyo. Katulad na lamang ngayon. Kasalukuyan kaming kanina pa naglalakad sa initan habang walang tigil sa pag-reklamo ang mga kagrupo ko.




"Malayo pa ba? Kanina pa tayo naglalakad dito, ah!" isa lamang iyon sa mga reklamo ni Raghnell.




Puno ng pawis ang mukha naming lahat. Tirik na tirik ang haring-araw habang nilalakad namin ang tila'y naging ghost subdivision nina Sibyl dahil walang katao-tao rito, kahit gaano pa kaganda ang bawat bahay na nadaraanan namin ay imbes na mamangha nakaramdam lamang ako ng pangamba. Tanging iyong guwardiyang nagbabantay sa gate lang ang nakita naming tao magmula kanina.




"Ang sabi mo ay isang sakay lang papunta sa bahay niyo. Ginagago mo ba kami?!" iritadong dugtong pa ng kaklase naming mainitin ang ulo.





"Sabi niyo kasi sa bahay na lang namin! Ba't parang kasalanan ko pa?" kaagad na depensa ni Sibyl pagkatapos siyang ambahan ng suntok ni Raghnell.




Hindi naman kasi namin alam na ganito pala kalayo ang bahay nila. Oo nga't walking distance lamang ito sa school pero kailangan naman namin maglakad ng 30 minutes papunta sa bahay nila. Noong una'y gusto nilang sa bahay nalang namin gawin ang research paper pero agad akong tumutol, hindi kami magkakasya lahat kung sa bahay namin gagawin ang proyekto.




Hindi rin puwede sa bahay ni Raghnell, ang dahilan niya hindi raw mahilig ang tatay niya sa mga bisitang walang ma-i-i-ambag sa pagiging pulitiko nito. Ayaw naman sabihin ni Elcross kung saan siya nakatira kaya wala kaming choice kundi ang pagtiisan ang paglalakad sa initan.




Sa totoo lang, gusto ko rin magreklamo, gusto ko rin sabihin na kung sana'y sinabi agad nito na malayo pa ang bahay nila edi sana sa coffee shop na lang muna kami gumawa ng research namin. Sa ganoong paraan, hindi naaksaya ang oras namin. Kaso imbes na makisali sa bangayan nila, napayuko na lamang ako at piniling manahimik.




Walang sense kung magrereklamo pa ako. Hindi naman no'n mababalik ang oras na sinayang namin sa pagpunta sa bahay niya. Kaya para saan pa para magsalita ako?




For the tenth time, I heaved a sigh. Mas magandang gamitin ko na lang ang bakanteng oras na ito para magmemorya ng pinag-aralan namin kanina. Hindi ako mahilig mag-aksaya ng oras, hangga't sa maaari ay mas gugustuhin kong ubusin ang vacant time ko sa pag-aaral.




Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon