Chapter 17: Deceiving

238 32 11
                                    

Chapter 17:
Deceiving

Third Person's POV.


THEIR MENTOR gave them 15 minutes break first. Hindi dahil sa nakikita niyang pagod na ang solaris section sa paulit-ulit nilang practice sa pag-acting, kundi sa dahilang malapit na siyang mabaliw sa sobrang pagka-siraulo ng mga ito. Lalo na ang triplets na pinapakitang gilas ang mga 'talent' nila. Nagsisimula na tuloy siyang pagsisihan ang kanyang mga sinabi noong una niyang na-meet ang klase, parang nabaliktad pa nila ang sitwasyon ng wala sa oras.



Sandaling nanghihinang nasapo ni Kie Montecaztro ang kanyang sentinido. Nasa pinakadulong sulok siya ng classroom, pinapanood ang mga miyembro ng Solaris Section na tila nakalimutan na ang existence niya.



Tanging siyam lamang silang nandito. Lumabas para bumili ng pagkain sina Hale at Zelmira, si Elcross ay kanina pa sila nilayasan dahil sa ingay nilang lahat, hindi naman nila matagpuan kung nasaan si Frost at Asrani na biglang nawala sa klase nila na parang mga bula.



"Sir! Sir! Sir!" Patalon-talon na lumapit sa kanya si Chichi. Pagkakita palang ni Kie sa sisiw na nakasabit sa ulo ng dalaga ay agad na siyang napaatras, muntik pang mahulog sa upuan.



"Utang na loob at labas! Hindi pa nakakarecover ang utak ko sa kabaliwan mo!" usal niya sa babae na parang nagtataboy ng isang masamang elemento, pinagkrus ang nakataas sa ereng mga kamay at halos dasalan siya.



Hindi na bago kay Kie ang mga estudyanteng sutil at laging mga sakit sa ulo. Pero iba ang sitwasyon ng Solaris Section, mas nakakabaliw ang katalinuhan at mga kalokohan nila sa buhay. Lalo na itong babae sa harapan niya na kulang na lang ay magtransform bilang isang manok at handa siyang i-torture.



"Sir Kie, gusto ko lang naman pong tanungin kung gutom na po ba kayo. Why are you mad?"



"Hindi ako galit..." sadyang nakakasira lang kayo ng ulo.



Imbes na magsalita ay ginulo na lang ni Kie ang buhok niya at tinignan ang babaeng inosenteng nakatingin sa kanya, sunod na gumawi ang tingin ni Kie roon sa sisiw sa ulo ng rank 7 ng Solaris Section at napangiwi.



Mukha namang mabait si Chichi. Cute ang mga matatabang pisngi nito, friendly din siya, hindi katulad doon sa ibang miyembro ng Solaris Section na may pagka-snobber, kaso nga lang kakaiba iyong takbo ng utak niya. Hindi mo maintindihan kung saang planeta nanggaling at naging ganyan ang pagiisip niya.


"Hi, Sir Kieran Redrick Montecaztro!" Malakas na sigaw ni Yesenia na biglang nag-appear sa gilid nila. Nagniningning ang mga mata nito, animong naghuhugis puso. Iyong dating laging mataray niyang mukha, umamo bigla.



"P-paano mo nalaman ang full name ko?" Kie lang naman iyong pakilala niya kanina. Sandali, huwag mong sabihin ni-stalk siya ni Yesenia Atienza?


"I searched you on facebook. Nag-send na rin ako ng friend request, accept mo ako, sir, ha?" - Yesenia.



"Ahm. Sige?"



Alam niyang guwapo siya. Si Kie Montecaztro na yata ang isa sa mga pinakamayabang at guwapong-guwapo sa sarili sa buong mundo pero hindi naman sa ganitong punto na pati iyong mga estudyante niya, magkakacrush sa kanya. Ayaw niyang magkaroon ng violation sa school!



"Yesenia, anong nakain mo at bigla kang bumait?!" sigaw ng kakambal nito mula sa unahan. Busy ang triplets sa pakikipaglaro sa isa't-isa, kaya nga hindi man lang siya nasulyapan ni Sylar, basta-basta lang itong sumigaw.



Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon