Chapter 23: Solaris Section Vs. The First Blackhole

247 31 25
                                    

Chapter 23:
Solaris Section Vs. The First Blackhole.

Third Person's POV.

"What the fuck?"



Umagang-umaga, ang humahangos na mukha ni Sylar Atienza ang kanilang nabungaran. Hindi makapaniwala nitong hinampas ang lamesa, nanlalaki ang mga mata nang huminto sa tapat nila.


"Nakita niyo rin ba?"


Mustulang gulat na gulat ang lalaki. Kinunutan naman siya ng noo ng mga kaklase niya, hindi alam ang dahilan kung ano ang pinaghuhugutan ang reaksyon nito at pagka-taranta.


Nagpulong silang anim sa cafeteria. Si Hale na naunang makarating sa school ay sa cafeteria nagbreakfast, dahil sadyang buraot si Sibyl ay sinundan niya ang lalaki para manghingi ng pagkain, ang loko, talagang inaya pa si Chichi at Zel. Libre raw kako ni Hale.



"'Yung alin ba, Sy?"


"'Yung ito!" may pinakitang larawan sa kanila si Sylar na halos ikalaglag naman ng mga panga nila.


'Yun ay larawan nang nangyari kahapon sa cafe kung saan nadatnan ni Sibyl, Zelmira, Yesenia, Ragh at Swayze ang kanilang dalawang kaklase na nag-uusap. Actually, ang dalawa ang topic nila bago biglang dumating si Sylar.



In an instant, nagsitunugan ang kanilang mga cellphone. It was from an unknown number, gaya nang pinakita ni Sylar ay parehong-pareho rin ang mga litrato nakalagay doon.




"Asrani and Cross. . . ?" naguguluhang napatitig si Hale sa screen ng kanyang cellphone.



There was a video attached, too. At first, they were hesitating, pero sa huli'y binujsan nila ang video file at nakita ang naganap na pagkakasampal ng rank 1 nila kay Cross.



"Puta, solid." Bulong ni Ragh.



Nakita niya na kahapon kung paano sinaman ni Asrani ang lalaki, but seeing that again? Ngayon niya lang narealize na hindi lang utak ni Asrani ang nakakatakot, pati ang palad nito. Solid mung masampal 'e, parang tinakasan ng kaluluwa si Cross noong sinampal ito.



"HUWAAAAT? MAG-EX SILA?!"



"Anong mag-ex? Magkakilala, Chi." Paglilinaw naman ni Zelmira.




Tanging sina Atlas, Hale at Chichi kasi ang missing in action sa kaganapan sa cafe, kaya walang dudang gulat na gulat ang tatlo.




"Why aren't you guys alarmed?" mahinang sabi ni Hale.



Napatulala naman sila. "A-ano?"



"Someone. . . just exposed them."


Seryoso sila nitong binalingan ng tingin. "They know our number, they exposed Asrani and Cross' secret. Hindi ba dapat maalarma tayo?"


Para kay Hale, sobrang importante ng privacy. Ngayon palang ay nag-aalala na siya sa magiging reaction ng dalawa, paniguradong lahat sila ay nakatanggao ng kaparehong larawan at video.


Tuluyang napuno ng katahimikan ang table ng Solaris Section, ngayon lang nagsink-in sa kanila ang nangyayari.


"Pag-usapan natin 'to kapagkumpleto na tayo," ani Zel bago pumulot ng french fries na nakita niya sa lamesa.



They all nodded, agreeing with her.


Gaya ni Zel, nagkuhanan din sila ng french fries, na pagmamay-ari pala ni Raghnell.



Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon