Chapter 05: The Solaris Section's First Task

338 34 3
                                    

Chapter 05:
The Solaris Section's First Task


Third Person's POV.

Panibagong normal na araw na naman ang natunghayan ni Hale Throndsen noong sandaling nakalabas siya ng gate ng kanilang four-storey house bitbit ang kanyang bike.


Araw-araw, tanging bike lamang ang ginagamit niya para makapunta sa school. May sarili naman silang driver at mga sasakyan para maghatid sa kanya pero mas gusto niyang gamitin ang bike kesa hayaan itong matambak sa garahe lang. Ika nga niya, mas magandang makapag-exercise sa umaga para mas lumakas ang resistensya niya.


Suot ang uniporme ng eskuwelahan nila at ang hindi yata mawala-walang ngiti niya sa labi, sinukbit ni Hale ang backpack. Alas siyete palang ng umaga, kaya hindi ganon katirik ang araw.


Ang bawat taong madaraanan niya ay binabati niya habang may napakalaking ngiti, kakilala man o hindi, sadyang napaka-friendly niya sa lahat.  Kilala siya ng lahat lalo na't sila ang pinakamayaman sa subdivision nila at dahil na rin sa pagiging pala-kaibigan niya. Everyone says he's already perfect, ang lahat yata ng nakakakilala kay Hale ay iisang description lagi ang sinasabi: isa siyang anghel na bumaba sa langit para magpalaganap ng kabutihan sa mundo.


Nahinto ng ilang saglit si Hale noong may isang matandang babae ang tumatawid sa kalsada. Mabagal ang paglalakad nito kahit napakadaming sasakyan ang bumubusina. Napakamot siya sa bahagyang kulot niyang kulay brown na buhok, sa huli ay bumaba siya sa bike at itinabi ito sa gilid bago tinulungan ang matanda sa pagtawid.


Bakit kailangan businahan ang matanda? Hindi naman siguro ito ganoon katagal kung tumawid kaya hindi na nila kailangan pagmadaliin si Lola.


Hale doesn't get other people's mindset sometimes, but he always try his best to understand them. Iyon ang tinuro sa kanya ng Mama niya, mas mabuting intindihan ang iba dahil hindi natin alam kung ano ang nararamdaman at pinagdadaanan nila.


"Pagpalain ka ng Diyos, Hijo. " sambit ng matanda pagkarating nila sa kabilang kalsada.


Nginitian siya ni Hale, nagpakita sa pantay-pantay at nakakasilaw niyang puting mga ngipin.  Ah~ Napakasarap sa pakiramdam ang makatulong sa iba.


"Ang aga-aga, nagpapaka-good samaritan ka na agad?" isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran niya.


He saw Yesenia's face inside a white SUV. Nakabukas ang bintana ng kotse nila kaya nakita niya rin ang kumakaway sa kanyang si Sylar, kumaway siya pabalik. Napakaaga naman nilang pumasok ngayon? Mamayang alas-otso pa magsisimula ang klase nila.


Hale is an early bird, normal na sa kanya ang pumasok ng maaga. Samantalang ang kambal naman ay suki ng pagiging late.


"Hale! Hale! Race tayo, paunahan makarating sa classroom!" sumilip sa bintana si Sylar, halos hampasin naman siya sa mukha ng kakambal dahil naiipit  ang hawak niyang Prada bag sa kandungan.


"Ugh. Why are you so childish?" gigil pang sambit ni Yesenia bago binalingan ng tingin si Hale at sinarado ang bintana ng kotse, kanina pa nagugusot ang uniporme niya! "Don't mind this bastard, Hale!"


"Aray ko naman, Yesenia. Makikipag-race lang, eh!"


Binuksan ulit ni Sylar ang bintana, desidido siyang kumbinsihin ang kaklaseng makipag-race sa kanya. Kaso noong tumingin siya sa labas para silipin si Hale, wala na ito sa puwesto niya kanina! Saan nagpunta ang isang 'yon?


"Ikaw kasi!" Paninisi ni Sylar sa kakambal bago bumalik sa upuan niya na may nakasimangot na ekspresyon.


Doon lang ulit umandar ang SUV nila. Kanina pa pala sila binubusinahan ng mga sa sasakyan sa likuran, hindi nila napansin.... o sadyang wala lang talaga silang pakialam.


Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon