Chapter 29: X Strikes Again

154 19 13
                                    

Chapter 29:
X Strikes Again

Third Person's POV.


"YOU still have a lot of pieces, but you need to manage it wisely."



May kaputian ang balat, malamlam ang mga matang tila may kakayahang malaman ang sekreto ng kahit na sino, mangilang- ngilang puting balbas at bagsak ang puting buhok, unti-unting nangisi ang matandang si Nicholas habang nakapako sa chessboard ang tingin.



It was his turn to move his pieces. Sa ngayon ay malapit nang maubos ang mga piraso niya, tanging ang Queen, King, apat na pawns, at knight na lamang ang natitira — taliwas sa pieces ng taong katapat na napakarami pang natitira.



"Your turn,"



"I'm managing it wisely," malamig din na sagot ng kausap.



Ginalaw nito ang kanyang knight upang kainin ang isang pawn.





"Managing it wisely? But you're only playing with the pieces to corner the king,"






Sa isang iglap, nakain ng queen ni Nicholas ang knight. Malawak siyang napangiti dahil nacorner niya ang king ng kausap, nangulubot ang gilid ng mata niya nang bahagyang natawa. Bakas ang katandaan sa mukha nito, ngunit sa kabila nang kulubot sa mukha ay hindi maitatangging napakaguwapong lalaki ng kanilang school director noong kabataan nito.





"Checkmate,"





Hindi na nagulat si Nicholas nang mabakasan ang walang emosyon na mukha ng kausap, sinasalamin ng matalim nitong mata ang kanyang repleksyon.





"Someday, I'm going to beat you." X told him. It was more like a reminder.





"Aasahan ko 'yan," tumayo siya't napatingin sa kanyang wristwatch. "You're here early, mamaya pa magsisimula ang klase niyo. May pupuntahan ka pa ba?"





X only shrugged at him, inayos nito ang nagusot na uniporme tiyaka kinuha ang isang chess piece sa ibabaw ng lamesa.





"I'll do my next move,"





Wala na sa matandang school director ang tingin ni X kundi sa chess piece na nasa kanyang kamay — ang hari. Tinitigan niya 'yon kasabay nang pagkurba ng isang ngisi sa labi niya.




Someday. . . I'll have the king's head.




"Aren't you afraid? You're playing with the Solaris Section too much, someday they would know who you are."




Bagama't nakatalikod sa kausap, pakuwari ni Nicholas ay naramdaman niya kung paano lumapat sa kanya ang tingin ni X.





Nakakatindig balahibo ang tingin nito, hanggang ngayon ay hindi parin siya nasasanay kung paano nagagawang paglaruan ni X ang sariling emosyon. Napakarami nitong maskara, walang dudang mabilis nitong nalilinlang ang mga taong nakapaligid sa kanya.





"That. . . would be someday. We need to make sacrifices, don't we? Nicholas. . ."





Napatayo na rin si X. Kaya lang naman siya nandito upang ipaalam ang susunod niyang gagawin sa kanilang school director, eksakto namang nag-aya itong maglaro ng chess at dahil may hiningi siyang pabor dito ay hindi tuloy siya makatanggi.




"Alis na 'ko,"




Binulsa niya ang king na chess piece. Bago pa man tuluyang makalabas ay narinig niya pa ang huling sinabi ng matandang si Nicholas.





Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon