Chapter 25: Elcross' Backstory

255 26 47
                                    

Chapter 25:
Elcross' Backstory

Elcross Hanlon.



"Cross, ikaw ang mas nakakaintindi sa inyong dalawa, magparaya ka nalang sa kapatid mo."




Nagbaba ako ng tingin habang patuloy sa pagpapaliwanag sa akin si Mama. Nag-away kami ni Kuya Crion kanina, kinuha nito ang libro ko at napunit iyon, pero imbes na siya ang pagalitan ng ina ay ako pa ang napagalitan.




Hindi ko alam, noong mga panahong 'yon ay hindi pa tuluyang naiintindihan ng bata kong isipan ang kondisyon ng nakakatandang kapatid.




Porke't ba ako ang mas nakakaintindi ay kailangang ako lagi ang magparaya?




Neverthless, I never objected anymore. Kahit ang daming katanungan ang gusto kong tanungin, ang daming dahilan... pero imbes na magsalita pa ay tahimik na lamang akong tumango at pinunasan ang mga luha.




Ako iyong bunso pero napakarami kong responsibilidad na binibitbit.




Simula nang araw na 'yon, hindi na ako nagrereklamo kahit madalas akong nakukulitan sa kapatid, gaya nang laging sinasabi sa akin ng ina, nagparaya ako. Lagi akong nagparaya. Tipong minsan, pakiramdam ko, nabuhay lang ako sa mundong 'to para alagaan ang kapatid ko.




"Cross! Cross! Laro tayo,"





"May ginagawa ako, Crion." masungit kong hinugasan ang tambak na maduduming plato sa lababo. Paniguradong pagod si Mama mula sa trabaho pagkauwi niya mamaya kaya ako na mismo ang naghugas ng mga ito.




"A-ayaw mo akong kalaro?"





Napabuntong ako ng hininga noong nagtunog nagtatampo ang boses niya. Hindi naman 'yon ang gusto kong iparating, pero masyadong sensitibo si Kuya Crion, kaunting pagbabago lang sa tono ng pakikipagusap mo sa kanya ay magtatampo na agad ito.





"Hindi mo ako tinawag na Kuya! Galit ka sa akin, Cross! Galit ka sa akin!"






Mas lalo akong napahinga nang malalim noong pinagbabato nito ang mga plato sa sahig -- nagwala. Sa isang iglap ay nauwi sa wala ang lahat ng pagpapakahirap kong hugasan ang mga plato.




"Diosmiyo, Elcross! Elcrion!"





Nanlaki ang aking mga mata noong biglaang bumukas ang pintuan at pumasok sa loob ang pagod na pagod na si Mama. Natataranta nitong nilapitan ang umiiyak nang si Crion dahil nagdurugo ang paa nito pagkatapos kaming matamaan noong babasaging plato.





"Bad si Cross! Galit siya kay Crion! Galit siya!"





Halos mapapikit ako, ramdam ang pangangatog ng mga paa sa labis na inis at pagkatakot.




"Anong ginawa mo?!"





"Ma, hindi --" nilagpasan nila ako. Mula sa kinatatayuan ko ay naririnig ko ang puno ng pag-aalalang mga tanong ng ina sa nakakatandang kapatid, na hindi niya man lang magawang itanong sa akin.





I bitterly smiled as I looked at my hand. Dumudugo rin iyon, mas malaki ang sugat kesa kay Kuya. Pero bakit hindi man lang ako tinanong ni Mama kung ayos lang ba ako?






Kinagabihan, hindi ako nakapagtiis. Habang ginagamot ni Mama ang sugat ko sa kamay ay hindi ko maiwasang tanungin siya kung bakit mas lagi niyang pinapaburan si Kuya kesa akin.





Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon