Chapter 03:
New Member
Third Person's POV"We're glad to have you as our student, Miss Isolde!" masiglang anunsyo ng school director ng Solis Academy nang sandaling makalabas sila ng office.
Humigpit ang hawak ng walang emosyong si Asrani sa strap ng backpack niya at mahinang tinanguan ang kaharap. Hindi siya matipid magsalita pero may mga pagkakataon na ayaw niyang pahabain ang usapang sa tingin niya naman ay walang patutunguhan at pure nonsense lang, ayaw na ayaw niyang mag-aksaya ng laway sa hindi importanteng mga pag-uusap.
Habang naglalakad, halos lahat ng estudyanteng madadaanan nila ay tumitigil at binabati ang ngiting-ngiting si Mr. Nicholas, ang school director. Napasulyap ito sa katabi niyang dalaga na kasalukuyang diretso ang tingin sa harapan at walang kahit ni-katiting na pakialam sa mga taong nasa paligid niya.
"So, Miss Isolde, are you excited for your first day?"
He tried to do a small talk, napakatahimik naman kasi ng kasama niya at napapanis na ang laway niya dahil simula kanina pa ay puro tango lang ang ginagawa nito. Seryoso, robot ba si Asrani? Bakit ayaw nitong magsalita? Wala ba siyang kuwentang kausap?
Ngumiwi siya. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya naka-encounter ng isang taong kayang kwestiyunin ang anim na dekadang pamumuhay niya sa mundong ibabaw kahit hindi man lang ito magsalita. Ganoon katindi ang taong kaharap niya, silent but deadly, tulad nga sa isang kasabihan.
"Miss Isolde? Ano ang masasabi mo sa mga nakikita mo sa paligid? "
Bagong renovate ang building na kinatatayuan nila kaya kampante si Sir Nicholas na pupuriin ng dalaga ang eskuwelahan. May nakasabit na mga mamahaling mga chandelier sa bawat hallway at natitiyak niyang malinis ang buong paligid kahit sa kasuluksulukan ng pader.
Pero naglaho sa isang iglap ang matagumpay na ngiti ng school director ng Solis Academy, taliwas ang sinagot ni Asrani sa inaasahan niya.
"I can see that it's a school, Sir." matamang tinapunan ng tingin ni Asrani ang paligid at lihim na napangisi sa loob ng cloak niya.
"I see. Nakikita ko nga rin na isa itong eskuwelahan, hija." Baka isa talaga itong hotel at pang front cover lang ang eskuwelahan?
Hay! Hindi lang pala tahimik ang batang ito, puno rin ng sarkasmo. Halos batukan ni Mr. Nicholas ang sarili habang kinakastigo ang sarili sa kashungahan niya.
"Teka, hija. Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo?"
Nakasuot nang uniporme ng Solis Academy si Asrani. Kulay dark gray ang above the knee nitong palda at hanggang tuhod ang itim na medyas, para sa pang-itaas nila ay isang puting na longsleeve na pinatungan ng gray blazer. Kulay maroon ang necktie nila, sa gitna nito ay naka-engrave ang Initials ng School. S. A.
Okay na sana kung iyon lamang ang suot ni Asrani, pero balak pa yata niyang magkaroon ng heat stroke dahil pagkatapos suotin ang uniporme ay nagsuot rin ng makapal at gawa sa leather na cloak si Asrani Isolde dahilan para walang makakita ng mukha o kahit itsura niya. Hanggang talampakan ang suot niyang itim na balabal kaya sumasayad ito sa sahig at nakakakuha ng atensyon mula sa ibang estudyante.
"My cloak is none of your business, Sir. That's part of the contract," malamig na sagot ng dalaga.
Napakalakas din naman talaga ng trip ng dalaga. What is she? A secret spy? Naiiling na lang tuloy si Mr. Nicholas sa trip ng bagong estudyante ng Solis Academy.
BINABASA MO ANG
Highschool Solaris: A Sun's Tale
Dla nastolatkówTwelve different students. Twelve different personalities. Twelve different stories. One golden class. They never thought that by entering the golden section, they'll gain something more than what they expected. Friendship. Family. Love. But... what...