Chapter 30: Close that Portal!

170 24 13
                                    

Chapter 30:
Close that Portal!


~~~

Raghnell Vanidestine.

"When I grow up, I want to be just like you!"



He was the best father. Araw-araw, lagi ko siyang ipinagmamalaki sa mga kaklase ko, walang pagkakataon na mananahimik ang bunganga ko sa pagmamayabang kung gaano siya kagaling.




"Sutoppusutoppu! Paulit-ulit ka naman ng kinukuwento, Ragh! Ang sakit sakit na ng tenga ko," tinakpan ng bestfriend ko ang tenga niya na parang pagod na pagod na siya sa pakikinig. "Hindi ka ba nagsasawa?"




Tinawanan ko lang siya. "Ba't ako magsasawa? 'E, idolo ko 'yon!"




May Tatay akong magaling na Lawyer, tagapagtanggol ng mga mahihirap laban sa mga taong nang-aabuso. I was so damn proud na hindi ko magawang magsawa sa pagkukuwento kung gaano ko siya kaidolo at sa paglaki ko, magiging katulad niya ako.




May prinsipyo. Mapagmahal. Matapang.




Pero putang ina, kinain ko lang ang lahat ng sinabi ko.




Binasura ko ang lahat ng pangarap kong kaugnay siya.




"Starting from now on, she's your mother, Angelo."




Ilang beses akong napakurap at pilit na pinoproseso ang narinig. Dumaan ang ilang minuto pero nakatitig lang ako doon sa ngiting-ngiti na babaeng dinala ni Papa sa bahay isang buwan pagkatapos mamatay ni Mama.





Mahaba ang buhok niya, makapal ang make up at parang mas matanda lang sa akin ng ilang taon. She looked two times younger than my father, mukhang college student palang nga ang babaeng 'to!




"Hindi siya ang mama ko. . ."




Litong-lito ako. Tang ina, isang buwan palang ang nakakalipas. . . nagdadalamhati parin ako hanggang ngayon tapos. . . bigla nalang siyang may dadalhing isang babae na hindi ko naman kilala?




Puta. Gano'n ba kabilis palitan si Mama sa buhay niya?





I don't have any idea how can someone easily abandon the memories of the person you promised to forever.




Nirespeto niya lang naman sana 'yung Mama ko, oh?



"Ayoko sa kanya." Matigas ang tinging binalingan ko ang ama. "Ibalik mo siya kung saan mo man siyang basurahan pinulot, 'Pa."




Noong gabing 'yon ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay.




At naulit pa. . . nang naulit.




Hanggang sa hindi ko na nabilang.




"Tang ina niyo, mga weak." Bumuga ako ng usok mula sa sigarilyong nakaipit sa pagitan ng dalawa kong daliri.




Kasalukuyan kaming nasa likuran ng English Building ng school. Nanhahapdi ang mga kamao kong bahagyang may mga sariwa pang dugo pero hindi ko iyon inalinta at nakangising pinagmasdan ang tatlong taong ginulpi ko.




Dalawa sa kanila ang knock-out, 'yung natitirang isa ay namimilipit sa sakit.



Aba, matibay.




Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon