Chapter 20: The Blackhole's First Move

211 26 7
                                    

Chapter 20:
The Blackhole's First Move

Third Person's POV.



"ALAM NIYO, may kakaiba kay Frost ngayon."



Kapwa magkakadikit ang magkatabing sina Sylar, Swayze, Zelmira, Sibyl, at Chichi. Nakapabilog ang upuan nilang lima, magkaharap sa isa't-isa at animong may isang mahalagang sekretong pinag-uusapan.



"Napansin niyo ba? Para siyang... para siyang..." hindi magawang tapusin ni Sylar ang sasabihin.




"Para siyang bumait..." pagtatapos naman nung apat.



Sabay-sabay silang tumangong lima sa isa't-isa. They gulped at natulala na naman. Simula kanina, lagi na lamang sila natutulala bigla sa kawalan. Ang salarin? Si Frost Farell lang naman.



Nanlaki ang mga mata ni Sibyl. "Naging mabait din siya sa inyo?!"



They nodded as the latter gasped exaggeratedly. Na parang sobrang imposibleng mangyari ang naranasan nila kanina.



"Ano ang ginawa niya sa inyo?" nagseryoso si Swayze, nawala ang mapaglaro niyang ngiti kahit punong-puno naman ng mga kalokohan ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon.




The five of them looked at each other as they began to tell what happened.



"He greeted me back noong nag-goodmorning ako sa kanya. He's sooooo nice!" Panimula ni Chichi.


"Hindi siya nagreklamo noong sinabihin ko siyang punasan ang whiteboard." Si Zelmira.



"'Di niya rin pinagbantaan ang buhay ko noong umupo ako sa tabi niya." - Swayze.



"Pinautang niya ako ng limang piso." tulalang wika ni Sylar. Alam nilang lahat kung gaano kakuripot si Frost, kahit sentimo, hindi iyon nagpapautang.



"Ako rin! Pinautang niya ako ng 2 pesos, kaso may interest na 20%, ibalik ko raw after 5 days. Magkano ba 'yon kapag binayaran ko na?" inosenteng tanong ni Sibyl na walang kaalam alam kung paano siya na-scam ng kaklase nila.



"5 times b-bigger than what y-you owed. "


Muntik na silang mahulog sa upuan lahat nang madinig ang panibagong boses sa tabi nila. Agad nilang tinignan si Atlas Woods na nagbabasa ng makapal na libro.



"Ampotek. Kanina ka pa riyan, Atlas?!" tumango si Atlas, nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kanila.



"K-kanina pa ako n-nandito dahil dito ang upuan ko. 'Di niyo lang napansin," nakayukong paliwanag nito.



The five of them shook their head. Gano'n na ba talaga kamanhid ang pakiramdam nila na hindi nila nagawang ma-notice ang presensya ng rank 3 nila? O sadyang may lahi lang ang mga itong ninja kaya hindi nila napansin?



"Pero Atlas, napansin mo rin ba ang kakaibang kinikilos ni Frost?" Swayze leaned forward, hindi kay Atlas kundi sa katapat nitong si Zelmira.



"K-kakaiba?" napahawak si Atlas sa kanyang baba at napaisip. "Mayroon nga. P-pinahiram niya ako ng ballpen kanina."



"That's indeed weird." napahimas sa kanyang chin si Swayze habang naniningkit ang mga mata.



"Sigurado ka ba talagang si Frost ang hiniraman mo at hindi si Hale?" Kuryusong tanong ni Zelmira.



"Isang kahibangan!" Madramang napasuntok sa ere si Sibyl.



Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon