Chapter 25.2:
The Golden Rule.
Third Person's POV.
KUNG GAANO kagulat ang mga estudyante sa mga naririnig na usapan tungkol sa napakagandang babaeng rank 1 ng solaris section ay hihigit ng tatlong paligo ang pagkagulat na nakapaskil sa mukha ng mga miyembro ng golden section habang nakatunghay sa isang babaeng prente lamang nakaupo sa harapan nila.
Nakalugay ang hanggang bewang nitong puting buhok, ang magagandang abong mga mata ay nakapokus sa librong binabasa at animong walang pakialam sa mga gulat na tingin ng mga kaklase sa kanya.
"Oh my chicken. This is a miracle!" hindi maiwasang bulalas ni Charlotta Winters na kamuntikan nang mabitawan ang alagang sisiw.
"A-asrani... your cloak.."
Ilang beses na napakusot sa kanilang mga mata ang mga kaklase niya. Tanging ang bagong rating lamang na sina Frost at Cross ang hindi nagulat sa nadatnan. Minsan na nilang nakita ang itsura ni Asrani maliban kina Hale, Atlas at Chichi pero hindi parin nila maiwasang magulat sa nakikita ngayon.
Walang suot na cloak ngayon si Asrani! Anong himala ang nangyari sa babae at napagdesisyunan nalang nito bigla na huwag magsuot ng cloak? Nauntog ba ito o sadyang malala lang ang natamong injury ng likuran niya na pati ang ulo niya ay naapektuhan?
"Asrani, your cloak is missing!" bulaslas ni Hale, na parang hindi aware doon ang rank 1 nila.
"Sino ang kumidnap sa cloak mo, Asrani?!" Nagpapanic na sigaw ng triplets.
Sinarado ni Asrani ang libro. "I left it at home."
Simpleng paliwanag lang iyon ng dalaga pero halos magwala na ang mga kaklase nila. Hindi na nga napigilan ni Yesenia ang sarili at nilapitan siya, sinapo ang magkabilang pisngi niya at nanlalaki ang mga matang pinagmasdan siya.
"Oh my bitch! How dare you na pagmukhain akong tanga?! All along, I thought you're ugly kaya ka nagsusuot ng cloak!"
Well, nakita naman niya na noon sa cafe ang itsura ni Asrani pero ilang saglit lang iyon. Iba ngayon na parang puwedeng puwede niyang titigan buong araw si Asrani para kumpirmahin kung totoong tao ba talaga siya o hindi!
"You're so pretty, Asrani-chan!"
Halos lumundag sa kanyang puwesto si Chichi. Sinapo nito ang magkabilang pisngi at animong nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa kanilang rank 1.
"You're like a doll, Asrani-chan! Like the prettiest version of annabelle!" - Chichi.
Nasapo naman ng mga kasama nila ang kanilang noo sa kaweirduhang sinabi ni Charlota Winters.
"Chi, time-out muna tayo sa cartoon stuffs mo, ha?" Tinakpan ni Sylar Atienza ang bibig ng dalaga at nginitian si Asrani. "Ang ibig niyang sabihin, maganda ka, Asrani. Parang glass doll."
"I am?" wala na namang emosyon ang mukha ni Asrani, malamig man ang boses ngunit mukhang hindi makapaniwala sa narinig.
"Hindi ka pa aware doon?" Kunot ang noong saad ni Zelmira.
"Seryoso, Asrani? Naknampucha! Wala ka bang salamin sa inyo?"
"We don't have one."
Nalaglag ang mga panga nilang lahat, hindi mabatid kung nagbibiro lang ba ang dalaga o hindi. Kulang na naman kasi sa sinseridad ang ekspresyon ni Asrani.
BINABASA MO ANG
Highschool Solaris: A Sun's Tale
Teen FictionTwelve different students. Twelve different personalities. Twelve different stories. One golden class. They never thought that by entering the golden section, they'll gain something more than what they expected. Friendship. Family. Love. But... what...
