Chapter 07: Beneath her cloak

273 34 3
                                    


~~~

Chapter 07:
Beneath her cloak


Third Person's POV.


Few minutes earlier.


Ngiwing-ngiwi si Sylar habang isa-isang tinatapik ang mga balikat ng kaklaseng animo'y sasabak sa isang giyera sa mga awra nila. Nakangisi si Ragh at handa ng makipagbugbugan, blangko ang ekspresyon ni Frost at hindi man niya nakikita ang mukha ni Asrani, ramdam nilang lahat ang malamig na awrang bumabalot sa babae.





"Handa na ba kayong magpatiwakal?" ani Sibyl.





Gusto niyang maranasang mamuhay to the fullest pero hindi sa ganitong paraan na parang may death wish sila. Sa isip-isip ni Sibyl ilang beses niya ng natanong sa sarili na sa sobra bang talino ng mga kaklase niya kaya nasiraan sila ng ulo?






Nasa back door silang lima. Nasa labas naman ng abandonadong building at naghahanda ng pumasok sa loob ang grupo ni Zel habang nasa may kalayuan ng kaunti ang puwesto ng grupo ng mga nagmamanmang sina Hale dahil ito ang look out nila sa labas.






"Kanina pa kayo kontra nang kontra. Amputa, gusto niyo palit nalang tayo?" sabi ni Ragh sabay ayos sa kuwelyo niyang wala na yatang kasing gulo. Hindi uso sa kanya ang magplantsya ng uniporme, magugulo rin naman 'yon, ano pang sense kung aayusin? Basic logic.






Siniko ni Sylar si Sibyl. Sabay na umiling ang dalawa, "Nagtatanong lang naman. Hehe, good luck sa inyo, sana makalabas kayo ng buhay at sana wala kayong galos pagkalabas niyo. May you live longer!"





Takot ang triplets kay Raghnell. Sinong hindi? Mga siraulo sila pero may rules sila sa buhay at ayaw pa nilang magpatiwakal, isa sa mga rules nila ang huwag kalabanin ang mga kaklaseng nakakamatay ang katalinuhan.





Paano pa kaya si Raghnell Vanidestine na hindi lang utak ang ginagamit kundi kamao rin sa mga kaaway niya? Papaanong hindi sila matatakot sa lalaki? 'E kalat na kalat sa buong Solis Academy kung gaano ka-basagulero ito, kahit sino binugbugbog at patunay doon ang araw-araw na pasa at mga galos sa mukha niya.





"Teka, ganyan ba kayo papasok sa loob? Papakita niyo mukha niyo? Walang maskara?" pahabol pang tanong ni Sibyl. Kaagad siyang siniko ulit ni Sylar saka ito binatukan. Double kill.






"Tado! Ano tingin mo sa kanila, mga super heroes? Baka imbes na papasukin sila sa loob, diretso bugbog na agad!"





"Bakit parang kasalanan ko pa?!" na-eeskandalong napahawak sa tapat ng dibdib niya si Sibyl, "Protection is better the cure!"





Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon