Chapter 35: X, the two faced sly (PART 1)

228 20 17
                                    

Hi! Sorry for the slow updates, naging busy ako sa school works. Lol. Just a quick survey, gusto niyo ba ng story ng parents ng Solaris Section? Haha!


~*~


Chapter 35:
X, the two faced sly (PART 1)



Third Person's POV.



KATAHIMIKAN. Kahit isa sa klase ng Solaris Section ay walang nagkaroon ng lakas ng loob upang basagin ang namumuong tensyon sa pagitan ng lahat. Ang bawat isa'y hindi mapakali, walang ibang magawa kundi tensyanadong maupo sa kani-kanilang mga puwesto habang papalapit ng palapit sa katotohanan —— ang eskuwelahan nila.



"Why. . . why are we going to the school?" mahinang tanong ni Sylar.



"X texted us. You didn't open your phone?" takang sambit naman ni Yesenia. Minapula niya ang kanyang cellphone bago pinakita sa kakambal.



Your class is in chaos. Are you all ready to face the ruthless truth?



Simple lamang ang text. Maiksi. Pero sapat na para magdala sa kanila ng matinding kaba. Muli, binalot sila ng katahamikan.



"Now that we're close to the school, bakit hindi muna tayo magkaroon ng ice breaker? Para tayong magiging statue niyan,"



Malakas na napahalakhak si Sibyl. Walang tumawa sa kanya, kahit ang dalawang best friends niya. Bumusangot siya at humalikipkip, parang mga siraulo naman ito!



"Dali na! Para naman kumalma kayo. Tignan niyo nga, sa sobrang kaba ni Chichi, malapit niya nang masakal 'yung sisiw niya."



Tinuro niya ang dalagang biglang nanlaki ang mga mata. Nasa magkabilang braso nito si Mr. Chuchu na parang nagmamakaawa sa kanilang awatin ang babae sa pagyakap. Nang mapakawalan, kaagad na tumalon paalis ang sisiw at lumapit kay Cross na natutulog sa isang tabi.



"Ano ba 'yang gusto mong 'ice breaker'?"



"Simple lang, maghulaan tayo kung sino si X!"



They all blankly stared at him. May pagkashunga talaga ito, alam na niyang nag-away-away ang mga kaibigan nila dahil sa ganiyan tapos ibabalik niya ulit.



"Sabi ko nga, hindi 'yon." Tinaas niya ang magkabilang kamay, tanda bilang pagsuko. "Ganito nalang, magsabi tayo ng bagay na hindi alam ng isa't-isa. 'Yung mind blowing! Halimbawa si Swayze, bukod sa mga babae, pati 'yung trashcan hinahalikan niyan!"



"King ina mo." mahinang mura sa kanya ni Swayze. "Ikaw nakaisip, ikaw ang mauna."



"Anong ako?! Dugas mo naman!"


"Ikaw mauuna o tatalian namin 'yang bibig mo?"



Sumimangot ito. Minsan naiisip niya nalang kung mahal ba siya ng mga ito, lagi ba naman siyang pinagtutulungan.



"Ah! Alam niyo ba, hindi naman talaga dahil sa matataas na scores sa entrance exam kaya nakapasok tayo sa Solaris Section,"



Patawa-tawang tinignan ni Sibyl ang mga kaklase. Gulat ang mga itong nakatingin sa kanya ng may kunoo't na mga noo. Kaswal niya lang iyon sinabi, na parang nagsasabi lang siya kung ano ang ulam niya kanina.



Tumikhim si Atlas. "Paano mo naman nasabi 'yan?"



"Siyempre, kasi hindi ko naman sinagutan 'yung entrance exam!"



Highschool Solaris: A Sun's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon