Chapter 04: The Celestial Game

372 32 1
                                        


An artwork of Astrani Isolde.


~~~

Chapter 04:
The Celestial Game.

"I don't like you," prangkang sambit ni Yesenia habang nakahulikipkip.

Kapwa nasa opisina ng school director ang bawat miyembro ng Solaris Section, kasali na roon ang bago nilang kaklase. Si Asrani na kasalukuyang nakatulala lang sa kawalan at walang pakialam sa titig ng mga katapat niya ay bahagyang napabuntong hininga.

Dalawang minuto. Dalawang minuto na siyang pinagtitinginan ng mga ito.

Sino ba naman kasi ang kaagad na babalik sa katinuan kung harap-harapang inanunsyo ng kanilang school director ang katauhan ng bagong kaklase? Hindi lang sa kanila, maging halos sa buong estudyante ng Solis Academy!

"On this day, may bagong miyembro ang Solaris Section!"

Parang sirang plakang nagpaulit-ulit ang mga katagang iyon sa isipan ng halos lahat ng estudyanteng nakarinig sa anunsyo ng school director.

Sino ba naman ang hindi magugulat sa narinig? Isang buwan na ang nakalipas mugmula nang inanunsyo ni Sir. Nicholas ang mga pangalan ng magiging bagong Solaris Section. Tapos ngayon, biglang may panibagong miyembro? Paano nangyari iyon? Napaka-imposibleng pakinggan, late na noong pumasok ang transferee sa Solis Academy tapos bigla siyang mapupunta sa Solaris Section?


At isa pa, ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng labing-dalawang miyembro ang Solaris Section. Simula noong unang henerasyon, hindi lalagpas ng sampu ang mga miyembro nito, ang pinakamaliit na bilang ng naging Solaris section ay apat kaya naman nakakapagtakang biglang nadagdagan pa ng isang miyembro ang klase nito.


It's already like an invisible rule na hanggang eleven lang dapat ang mga members ng ginintuang seksyon ng Solis Academy.


"How did you get in?"


"I enrolled, if that isn't obvious." pilosopong sagot ng dalaga.


"Answer us properly, bitch. How come your were able to get in the Solaris Section? 'E ilang buwan ka nang late. Did you bribe the school?"


"Yesenia!" saway rito ni Hale.


"Why? That's possible naman."


Instead of defending herself, Asrani stayed silent. Bahala sila sa buhay nila.


"Teka, 'wag mo sabihing ikaw ang natsi-tsismis sa faculty na baguhang nakaperfect ng exam?"


They all turned to Sylar na nanlalaki ang mga mata. Para itong nakakita bigla ng multo.


Highschool Solaris: A Sun's TaleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon