The Meaning Behind Her Sweetest Smile

57 1 0
                                    



**************************


Gabriella Cecelia Rios



Matapos ang isang gabing hindi ko makakalimutan, nag sisimula na akong magkaroon ng masamang panaginip tuwing gabi. Minsan nagigising na lang ako dahil doon, minsan kailangan pa akong tabihan ni Candice para lang maka tulog ako ng maayos at hindi na muling maalimpungatan dahil sa masamang panaginip.





Nag tungo si Gio at Ate Zoe sa bahay kahapon, gusto nila akong makausap ng matino. Gusto ko sana silang tanggapin pero hindi kami pupwedeng mag usap dito sa bahay lalo na't nandito si mama at ang mga kapatid ko, ayokong atakihin si mama dahil sa sobrang sama ng loob niya dahil sa nang yari. Kahit hindi niya kasalanan iyon, sisisihin niya pa rin ang sarili niya.





Mag tatanim ng galit si Candice at ate Cornellia kay Gio pati na sa buong pamilya niya eh wala naman silang mag kasalanan sa nang yari, kahit pa sabihin ko na nandoon si ate Zoe però hindi niya ako tinulungan ay dahil iyon sa lasing na siya at wala na siyang lakas para ipag tanggol ako.





Sa sobrang guilty ni Gio, walang segundo na hindi siya nagte-text o tumatawag para masigurado na okay lang talaga ako at hindi ko na kailangan magpa doktor. Maayos na ang lalamunan ko ngayon, salamat sa mga gamot na ipinadala ni North sa'kin pero sa totoo lang? Parang may mali sa sinabi niya tungkol sa nang yari.






Hindi naman sa wala akong tiwala o hindi ako naniniwala sa kaniya pero parang may mali kase eh, pakiramdam ko? Ibang tao ang nag ligtas sa'kin noong gabing iyon. Narinig ko ang beses niya, mag kaiba sila ng boses ni North. His voice sounded sweet but too deep while North's voice sounded like someone who works at a circus.




Paulit-ulit kong inaalala ang masamang alala na iyon para lang maalala ang boses ng lalaking sumagip sa'kin, kung bakit ba naman kase ako nawalan ng malay diba?





Lunes ng umaga ngayon, nandito na ako sa school at kasama ko si Gio pati na ang isa pang kaibigan namin na si Aemie. Sa'ming tatlo, si Aemie talaga ang pinaka nakakaangat sa buhay. Ang mga magulang niya ay mayroong kumpanya sa Maynila, may sarili rin silang pagawaan ng mga iba't ibang klase ng kolorete sa mukha na ginagamit pampaganda.





Mabait na kaibigan si Aemie, wala na akong masabi tungkol sa kaniya dahil kung nag baba ng anghel ang panginoon? Sigurado akong siya iyon at wala ng iba pa. May isang sekreto si Aemie na tangling ako lang ang nakaka alam, iyon ay ang katotohanan na may gusto siya kay Gio...





Sa madaling salita, third wheel ako kapag mag kakasama kaming tatlo. Wala namang problema iyon sa'kin atsaka isa pa? Ayaw niya rin namang malaman ni Gio ang totoo dahil baka masira ang pagka kaibigan namin at mahati kami ng tuluyan. Kung sakaling hindi ibalik ni Gio ang pag mamahal niya, sigurado akong hindi na babalik ang dati nilang samahan.





Tayong mga tao na mayroong pakiramdam at nakakaunawa na ng mga bagay-bagay sa mundo? Hindi kaagad tayo nakakalimot lalo na kung masakit o malungkot yung pang yayari, gusto ko silang tulungan pero hindi ko alam kung papaano ko iyon gagawin. Natatakot rin akong makialam dahil baka imbis na maka tulong ako, eh lalo pa akong maka gulo sa kanilang dalawa.






Mas maganda siguro kung pababayaan ko na lang silang dalawa na gawin ang dapat, ipinasasa-diyos ko na ang tadhana ni Gio at Aemie. Kung sila talaga para sa isa't isa then magiging sila sa huli at magiging masaya sila pero kung hindi naman? Ganon talaga ang buhay... Parang isang byahe na walang direksyon o patutunguan. Minsan kailangan mo munang maligaw para mahanap mo ang tunay mong pupuntahan.





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon