Love Without Fear

55 1 0
                                    



**************************

Gabriella Cecelia Rios


Alam ko naman ang passcode ng pintuan kaya hindi na ako kumatok at dali-dali agad akong pumasok sa loob, walang pag-aalinlangan kong itinapon ang gamit ko sa ibabaw ng lamesa tapos nag-ma-madali akong tumakbo papunta sa kwarto ni West. Naabutan ko siyang nangangatog sa sobrang lamig, inaapoy din siya ng lagnat.





Wala na akong ibang pag-pipilian dahil maaaring may mang-yaring masama sa kaniya kapag hindi ko siya itinakbo ngayon din mismo sa ospital, ibinalot ko muna siya sa makapal na kumot at pag-tapos kong gawin 'yon ay agad akong tumawag ng tulong sa mga kasamahan ko dito sa Villa Amore. Sila ang tumawag ng ambulansya para madala agad si West.





Makalipas lamang ang ilang minuto, dumating na ang tulong kaya agad din namang nadala si West sa pinaka-malapit na ospital dito sa San Nicolas. Hindi ko pa naman shift ng ganitong oras kaya sumama muna ako, walang mag-ba-bantay sa kaniya kung wala ako doon.




Saka sigurado akong hahanapin niya ako, ayokong magising siya mamaya na hindi ako ang una niyang masisilayan ng mga mata niya pero ang mahalaga ngayon ay maagapan ang sakit na nararamdaman niya dahil hindi ko talaga kakayanin kapag may masamang nang yari kay West.




Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng sasakyan ng ambulansya, hindi ko naiintindihan kung bakit may oxygen na kaagad si West eh lagnat lang naman ang problema. Ano'ng nang yayari sa kaniya?!




Nag-si-simula na rin akong umiyak habang pinag-ma-masdan ko ang kalagayan ni West, hawak ko ang mga kamay niya ngayon pero hindi niya man lang ako hinahawakan pabalik. Hindi siya kumikibo, at habang nasa byahe kami ay tila natatakot na rin ang mga kasama kong nurse.





Ano'ng nang yayari kay West?! Ano'ng meron?!





"Ma'am, kumalma po kayo. Magiging ayos lang ang pasyente". Paalala ng isang lalaking nurse sa'kin.





Hindi ko alam kung papaano siya sasagutin, hindi ko rin magawang pigilan ang luha ko. Kusa lamang itong umaagos palabas sa mga mata ko, naba-blangko na rin ang isipan ko dahil sa labis na pag-aalala kay West. Hinihiling ko na sana ay walang masamang mang yari sa kaniya, kahit hindi na ako ang maging malusog basta huwag lang siyang mapahamak!





Hindi naman ako galit kay West pero bakit ba kase ang tigas-tigas ng ulo niya?!




Sinabi ko na huwag mag-pu-puyat, na huwag mag-papa-lipas ng gutom at higit sa lahat ay palaging kakain sa tamang oras pero ano'ng ginawa niya?!



Sinuway niya ang mga paalala ko!




Hindi naman ako makasariling tao pero pwede bang ako naman ang pakinggan niya kahit minsan?





Pwede bang sundin niya naman ang mga paalala ko?




Pwede bang kahit minsan, mag-pahinga siya at huwag na niyang isipin ang trabaho?




Oo alam kong para 'yan sa kaniya o para sa'min pero mahal ko siya at mas mahalaga siya sa'kin kaysa sa pera, hinding-hindi ko siya magagawang ipag-palit sa kahit na mag-kano. Kung ang kalusugan niya ang mapapahamak kapalit ng pag-yaman at pagiging maginhawa ng buhay namin, dibali ng hindi kami maging mayaman...




"Ma'am, nandito na po tayo sa ospital. Kailangan na po natin ibaba ang pasyente". Muling sambit ng nurse na kasama ko sa loob ng sasakyan.




Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon