**************************
Gabriella Cecelia Rios
Pag-dating namin ni North sa mansyon nila, agad akong pumasok sa loob. Kahit hiyang-hiya ako dahil wala akong mukhang maiharap kay Mrs. Collins ay nilakasan ko pa rin ang loob ko, naabutan kong wala sa sarili ang ina ni West at North habang hawak ang telepono niya.
Nang makita niya ako, agad siyang lumapit sa'kin. Kusang tumulo ang luha niya at hindi ko maintindihan kung bakit, ano na ba ang lahat ni West ngayon? Kamusta na ba siya? Pwede ko na ba siyang nakita?
"Umakyat ka na Hija, baka sakaling makinig siya sa'yo". Malungkot na sambit ni Mrs. Collins. Tahimik akong tumango ako sa kaniya bago ako lumakad papunta sa kwarto ni West.
Mahaba ang hagdan ng mansyon nila kaya medyo nakakapagod umaakyat doon, pag-dating ko sa tapat ng kwarto ni West ay tatlong beses akong kumatok sa pintuan bago ko tinawag ang pangalan niya. Sinabi ko na nandito ako, na gusto ko siyang makausap at kung maaari ba akong pumasok sa kwarto niya.
Dahil Oo, gagamitin ko na lang ang spare key na binigay niya sakin noong nakaraan. Mayroon akong spare key ng opisina niya, sa kwarto niya dito, sa kotse niyang Aventador S, sa mga cabinets niya saka sa unit ng condo niya dahil minsan ay nakakalimutan niyang bitbitin ang mga iyon. Tao lang naman si West, katulad ko? Nakakalimot din siya sa mga bagay-bagay.
"West? Si Cece 'to, Pwede ba akong pumasok?". Muli kong inulit ang sinabi ko, nag-hintay ulit ako ng ilang minuto pero hindi talaga siya sumasagot.
Wala na akong ibang pag-pipilian kundi buksan ang pintuan niya at pumasok sa loob kahit na ayaw niya akong papasukin, nag-aalala na ako dahil hindi naman siya ganito kanina diba? Maayos siya, hinatid niya pa nga ako sa dorm tapos naka-ngiti pa siya 'non bago siya mag-byahe pa balik dito. Ano'ng nang yari? Bakit siya biglang nag-ka ganito?
"West? Nasaan ka?".
"Nandito ako West, ayaw mo ba akong makita?".
"Mag-usap tayo, sabihin mo sa'kin kung ano'ng problema".
"Nangako tayo diba? Sabi mo kakausapin mo ko kapag may problema ka pati sinabi mo rin na walang taguan ng sekreto kaya lumabas ka na diyan, mag-usap tayo".
Sinambit ko ang mga salitang iyon habang hinahanap ko siya sa buong paligid, natagpuan ko siyang nag-ta-tago sa loob ng walk-in closet niya. Magulo rin ang loob dahil sigurado akong nag-amok siya dito kanina, may nakita akong basag na salamin at malapit lamang ang mga iyon sa kaniya.
Kumuha ako ng kahit na ano'ng pupwede kong gamitin para lang mai-alis ang mga iyon kahit na hindi ko hinahawakan, iniingatan ko rin ang sarili ko dahil ayokong dumagdag sa mga iniisip niya at para hindi siya lalong mag-alala. Sigurado akong marami siyang iniisip ngayon, marahil hindi niya alam kung papaano mag-si-simulang mag-paliwanag sa'kin.
Matapos kong ilayo ang mga basag na salamin para hindi na iyon makapinsala ay inilapag ko ang gamit ko sa isang tabi tapos lumapit ako kay West, bahagya akong lumuhod para i-angat ang ulo niya.
Nang mag-tama ang mga mata namin ay nakita akong namamaga na ang sa kaniya, hinaplos ko ang kanang pisngi niya habang hindi ko na namamalayan na tumutulo ang mga luha ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...