Undeniable Past

51 1 0
                                    



**************************


Gabriella Cecelia Rios


Natapos na ang sampung araw na pahinga namin, na-extend pa nga ito ng tatlong araw dahil nag-kasakig si Psyche ng biglaan at ayaw namang umuwi ni North na ganon ang kalagayan niya dahil sigurado daw na magagalit ang daddy ni Psyche sa kanila ni West saka kuya Reidly.





Ayaw din namang umuwi ni Psyche na ganon pa ang kalagayan niya kaya nanatili muna kami ng tatlong araw pa sa penthouse ni West, gumaling naman agad si Psyche matapos ang dalawang araw. Marahil ay pagod, hindi kumakain ng tama at puyat lamang ang dahilan ng pag-kaka-sakit niya, pasaway din kase siya eh. Ayaw niya rin makinig kaya ayan tuloy.




Hindi ko naman siya sinisisi, pero kasalanan niya rin naman ang nang yari sa kaniya. Siyempre nag-aalala kaming lahat para sa kaniya lalo na si West, North saka kuya Reidly. Dibali sana kung wala ang iba eh ang kaso ay mag-ka-kasama kami at nakikita rin nila, hindi nila maiiwasan na mag-alala para sa kaniya saka sa kalagayan niya.





Naiintindihan ko 'yung parte niya na nasasaktan siya dahil sa sitwasyon nila ni Eros ngayon, sinabi sa'kin ni West na nakapag-usap na daw sila pero ngayon? Si Eros naman daw ang ayaw bumalik. Ayaw naman daw ipaliwanag ni Eros ang totoong dahilan kung bakit, kaya hindi maintindihan ni Psyche ang sitwasyon niya.





Kahit mahal na mahal nila ang isa't isa, may mga bagay pa rin na pilit na ha-hadlang para lang manatili silang malayo sa bawat isa. Masyadong mapag-laro at pilyo ang tadhana dahil hindi mo alam kung kailan ka nito ha-hayaang sumaya kasama ng mahal mo sa buhay, pero wala naman kaming magagawa dahil desisyon ni Eros at Psyche ang masusunod.





Mahalaga silang dalawa para sa'ming lahat, hindi namin kayang mamili sa pagitan nila dahil hindi namin ugali iyon. Kaibigan ni West si Eros, pinsan naman ni Eros si Avi. Pare-parehas lang kaming mahihirapan kapag dumating sa punto na kailangan na namin mamili kung kaninong panig ba kami makikinig o maaawa.





Ngayon, kasalukuyan na kaming nasa loob ng sasakyan ni West nakaparada pala ang iba niyang sasakyan sa penthouse kaya hiniram ni Jared, Thor, Eros saka North ang iba neto, si kuya Reidly naman at ang iba pa ay gagamitin pa rin ang van pauwi dahil tinatamad daw mag-maneho sila Ate Trinity.





Si AL ay babalik muna sa Lemery ngayon kaya si Jared ang nag-hatid sa kaniya papunta doon, wala naman kaming pupuntahan ni West kaya nag-pasya na lang akong mag-pahatid sa dorm namin. Hindi muna ako uuwi sa Agoncillio dahil pagod at masakit na ang katawan ko, parang nabugbog ata ng sobra.





Ang alam ko ay kukunin lang naman ni AL ang mga natira niyang gamit pero babalik din siya sa San Nicolas, hindi rin naman siya mag-ta-tagal doon kaya si Jared na lamang ang nag-hatid sa kaniya. Masayang-masaya ako dahil kahit hindi masyadong mahaba ang pag-sa-sama namin, marami naman kaming nagawang masasayang alaala!!





Kahit naman papaano ay nag-usap din si Eros saka Psyche habang mag-ka-kasama kami, hindi nga lang mahaba at walang kabuhay-buhay pero at least nag-karoon sila ng pag-kaka-taon na mag-usap. Iyon naman ang mahalaga doon diba?





Tinanghali na kaming lahat sa pag-gising, kumain pa kami saka nag-ayos pa kaya medyo natagalan talaga kami bago maka-alis sa Penthouse ni West. Tatlo hanggang apat na oras lang naman ang byahe namin pabalik sa San Nicolas, mukhang malapit na rin kami doon kaya hindi na ako muling umidlip.




"Cece? Are you okay?". Tanong ni West.




Inilipat ko ang atensyon ko sa kaniya tapos ngumiti ako ng malawak habang pinag-mamasdan siya.




Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon