**************************
West Mitchell Collins
Kasalukuyan pa rin kaming nandito sa highway ngayon dahil mayroong naaksidente sa harapan namin, wala akong ideya kung ano'ng nang yari dahil hindi naman ako chismoso. Nakita kong lumabas si Primo kanina, sumama sa kaniya ang kapatid ko at kapwa nila tiningnan kung ano'ng meron doon.
Base sa nakita nila, mukhang isang may-ari ng mahahaling motor at sasakyan ang nag-kabanggan. Narinig din nila na lasing daw ang naka-sakay sa motor at 'yung mismong driver 'non ang bumangga sa kotse.
Sinabi nila ang impormasyon na 'yan sa group chat namin kung saan kasama ang lahat ng mga lalaki, hindi namin sinama ang mga babae dahil siguradong mag-aalala lang sila kapag nabasa nila ang usapan namin.
Isa pa, wala namang ideya si Psyche, si Avi saka si Riane tungkol sa pagiging Agent namin. Maliban na lang kung alam ni Riane ang tungkol kay Jared, kung ganon ay sigurong may ideya rin siya kung ano talaga kaming lahat.
Siguradong hindi pa sinasabi ni Eros o ni Primo kay Avi ang tungkol sa pagiging Agent nila kaya kailangan nilang mag-ingat kundi? Parehas silang mahuhuli ng wala sa panahon. Isa pa, magaling mang huli o mag-paamin si Avianna lalo na kapag gusto niya talagang malaman ang isang bagay na tinatago mo.
Hindi pa siya pumapalya kahit isang beses, palagi niya kaming napapaamin. Wala kang magagawa kahit gusto mong itago ang sekreto na nasa isipan mo, kaya delekadong makaramdam ng pag-ka curious si Avianna tungkol sa mga bagay-bagay.
Ano'ng oras ba gagalaw ang mga sasakyan sa harapan namin?
Kanina pa kami nandito, naiinip na ako...
Makalipas ang ilang minuto, biglang tumunog ang telepono ko kaya napatalon ako dahil sa sobrang gulat. Wala naman akong trabaho ngayong araw, nakapag-sabi naman na ako sa sekretarya ko na liliban ako sa trabaho ko ng ilang araw para makapag-pahinga ng maayos.
Pag-tingin ko, si Psyche pala ang tumatawag sa'kin. Bakit kaya siya tumatawag ngayon? Hindi ba siya abala sa trabaho niya? O baka nag-hahanap nanaman siya ng makakasama niya dahil may pupuntahan siya?
Agad ko na lang sinagot ang tawag niya dahil siguradong sisigawan niya nanaman ako tapos magagalit siya kapag nahuli ako kahit isang segundo.
Psyche: Himala, ang bilis mo atang sumagot. Hindi ka busy?
Ako: I'm not, what's up?
Psyche: Samahan mo ko!
Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga ako maaaring mag-kamali kapag si Psyche ang tumatawag sa'kin. Saan naman kaya siya pupunta ngayon? Saka diba mayroon siyang pasok sa trabaho?
Ako: Where are we going?
Psyche: Shopping, I need new clothes.
Ako: I'm out with North and Eros.
Kinakabahan na ako ngayon dahil hindi ko kaagad sinabi sa kaniya na hindi ko siya masasamahan, siguradong mag-iinit ang ulo niya sa'kin!! Pero, bakit ba ako ang naisipan niyang isama? Bakit hindi si Riane, si Avi o hindi kaya ay si Trinity kung balak niyang mamili ng mga damit?
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...