**************************
Gabriella Cecelia Rios
Alas onse na ng gabi at kasalukuyan pa rin akong nag-tatrabaho sa Villa Amore, matatapos naman na ang shift ko kaso mas maaga nanamang umuwi si Reiner dahil sa curfew niya ngayon kaya wala akong choice kung hindi gawin ang mga dapat niyang gawin. Alam naman ni Sir West ang tunay na nang yari dahil ipinaliwanag ni Reiner, maaga siyang nag-paalam kanina.
Wala namang problema sa'kin kung gabing-gabi na ulit ako uuwi para lang gawin ang gawain ni Reiner kaya lang? Natatakot ako na baka wala nanaman akong masakyan pauwi tapos biglang umulan ng malakas. Baka sa hotel room ni Sir West nanaman ako makituloy, yung isang beses ay okay lang pero yung mauulit? Nakaka hiya na iyon.
"Cece? Hindi ka pa ba uuwi?". Tanong ni Curtis sa'kin.
"Ihahatid ko pa 'tong pag-kain sa hotel room ni Sir West, mukhang nagugutom nanaman ata siya". Sagot ko sa tanong niya habang ipinag-pa patuloy ang pag-aayos sa mga pag-kain para hindi ito mahulog.
"Ang sipag mo naman, baka maunahan mo pa kaming permanent employee". Aniya niyang natatawa.
"Nako, malabo yon saka ginagawa ko lang naman 'to dahil wala si Reiner ngayon. Maaga siyang umuwi eh". Malumanay kong tugon sa sinabi niya.
"Huh? Nasaan siya?". Nalilito niya namang tanong.
"May curfew siya ngayon, nahuli kaseng gumawa ng kalokohan kaya maagang nag-paalam kay Sir West na uuwi kaagad siya". Paliwanag ko kay Curtis.
Hindi naman siguro mamasamain ni Reiner kung sinabi ko kay Curtis ang tungkol sa nang yari, isa pa? Sigurado naman akong iyon din ang sasabihin niya bukas kapag nag-tanong si Curtis sa kaniya. Wala rin naman akong ibinawas o idinagdag na impormasyon tungkol sa naganap.
Nang matapos kong ayusin ang mga pag-kain na gusto ni Sir West, nag-patulong lang ako kay Curtis para maitulak ko ang cart papunta sa elevator dahil masyado itong mabigat. Natatakot ako na baka matapon ito lahat, siguradong mauubos ang sahod ko kapag nag-kataon.
"Okay ka na ba dito Cece? Pwede naman kitang samahan papunta sa hotel room ni Mr. Collins". Boluntaryong sambit ni Curtis habang hawak ang buton ng elevator para hindi ito sumarado habang nag-uusap kami.
"Nako Curtis, huwag na. Ayos lang ako, mauna ka nang umuwi kase baka hinahanap ka na rin ng mga magulang mo". Paalala ko sa kaniya saka ngumiti ako ng malawak.
"Well, if you insist then goodluck. Take care of yourself". Tugon niya tapos ngumiti rin siya kaya biglang lumabas ang mga dimples niyang malalalim.
Hinahayaan niyang sumarado ang pintuan ng elevator kaya nag-simula na itong umakyat pataas, hindi na ito tumigil sa kahit na anong floor dahil sigurado akong ako na lamang ang gumagala sa area na ito ng ganitong oras. Ang iba ko namang mga kasama ay nasa kabilang side, mas marami kaseng tao doon kaya nandoon silang lahat.
Tapos na ako sa side na iyon kanina, dito ako palaging natatapos bago ako umuwi. Pinapatawag kase ako ni Sir West, hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay pero hindi naman ako pwedeng mag-reklamo dahil boss ko siya at empleyado niya lang naman ako.
Nang makarating ako sa floor ng hotel room ni Sir West, dumiretso na kaagad ako doon dahil parang ghost town dito. Tahimik, walang tao, malamig tapos parang may multo kaya hindi maiwasan ng mga balahibo ko na mag-taasan habang nag-lalakad papunta sa hotel room ng boss ko.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...