*6 months later
**************************
Gabriella Cecelia Rios
Anim na buwan na ang nakakalipas muna noong nawala si mama sa piling namin, hindi pa rin kami nakakalimot at hanggang ngayon ay tila binabalikan pa rin kami ng mga alala ng nakaraan. Hindi pa rin ako makapaniwala pero alam kong eto na talaga ang totoo, hindi 'to panaginip o imaynasyon.
Naapektuhan si Candice pero pinipilit niya rin namang mag adjust dahil hindi na rin siya bata, Oo nasanay siya na palagi niyang kasama si mama pero oras na para tanggapin namin ang katotohanan at magising kami sa realidad. Siya na lang naman ang minor sa'ming magka kapatid kaya ang guardian niya ay si tita Carmine pa rin habang si ate Cornellia at ako naman ay ayos lang dahil nasa legal age na kami.
Inilibing si mama sa lupa ng mga Rios kung saan nakalibing ang ibang naming kamag-anak na maaga ring namayapa, si tita Carmine at tito Solomon ang nagpahiram ng pera sa'min ngunit kailangan pa rin namin iyong bayaran dahil hindi naman iyon literal na bigay. Nag ambag si tita Carmine atsaka tito Solomon pero hindi ibig sabihin non ay wala na kaming iintindihin.
May trabaho naman si ate Cornellia, ganon din naman ako pero hindi sapat ang kinikita namin dahil pare-parehas kaming nag a-aral at malapit na rin makatapos. Malaki rin naman ang nagastos ni tita Carmine lalong lalo na sa kabaong, damit at iba pang nirentahan niya.
Hindi naman masyadong nag tagal ang lamay dahil may kani-kaniya rin kaming mga pinag kaka-abalahan, mahal na mahal namin si mama pero kung titigil kaming tatlo? Baka maaga kaming sumunod sa kaniya. Alam kong hindi niya iyon magugustuhan kaya pinipilit namin na magpa tuloy, kahit wala na siya rin siya ngayon.
Tulad nga rin ng sinasabi ng mga matatanda dito sa'min, kung may nawawala ay mayroong biyayang darating. Kasalukuyang buntis si ate Cornellia, anim na buwan na siyang buntis at lalaki ang magiging anak niya base sa ultrasound. Si tita Carmine ang unang naka-alam dahil sila ang mag kasama noong na-ospital siya.
Matagal niya na palang alam na nagdadalang tao siya pero hindi niya sinasabi kay mama o sa'kin man lang, hindi niya rin daw kase alam kung sino ang ama dahil bunga lang daw ito noong nakipag one night stand siya sa kung sino mang lalaki na nakilala niya sa bar. Kahit galit ako, hindi ko siya magawang mabulyawan dahil buntis siya.
Makaka-sama sa kaniya ang labis na stress, Isa pa? Wala naman rin kaming magagawa dahil nandiyan na ang bata sa loob niya. Wala siyang kasalanan kaya hindi rin namin pwedeng isisi sa kaniya kung bakit pa siya nabuo, it's not like the child wanted to be inside my sister's womb in the first place.
Ngayon, kaya pa namang mag trabaho ni ate Cornellia kaya nagpapa tuloy pa rin siya. Nakapag file na siya ng maternity leave sa kumpanyang pinapasukan niya, mabuti na lang at agad iyong naaprobahan. Bayad pa rin ang mga panahon na hindi siya makakapag trabaho kaya kahit papaano ay makakabili kami ng gamit para sa anak niya.
Gustuhin ko mang habulin ang ama ng magiging anak niya, ayaw niya namang sabihin kung sino. Mukhang mahihirapan kaming kumbinsihin siya, sana nga ay sabihin niya dahil hindi naman pupwede na wala siyang pananagutan sa bata. Sabay nilang ginawa yan, parehas silang nasarapan kaya tantanan nila akong dalawa.
Ayokong maranasan ng magiging pamangkin ko ang naranasan ko dahil alam ko ang pakiramdam na lumaking walang ama tapos nanay lang ang mayroon, abot langit na pang huhusga ang inabot namin sa kamay ng mga chismosang kapit-bahay.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...