A/N: Short chapter ahead
**************************
Gabriella Cecelia Rios
Nang makarating sina Dawn dito, hindi muna kami kaagad nakalapit sa kanila dahil sobrang dami ng mga tao sa paligid. Isama pa ang mga business partners, kilalang artista, models, and other people na mukhang kaibigan ng pamilya nila Dawn kaya mahihirapan ka talagang makausap sila ngayon.
After a few minutes of waiting, Dawn finally finished talking to someone so I told West that we should immediately give our gifts to the twins para hindi na namin kailangang makipag siksikan sa ibang mga bisita mamaya.
"Dawn!". Ani ko matapos ko siyang makita. Kasama niya ang kambal, mabilis kaming nag-tungo ni West sa direksyon nila.
"Happy birthday Thea! Here's Ninang Cece's and Ninong West's gifts for you!!". Masaya kong sambit. Inabot ko sa kaniya ang mga regalo namin ni West, masaya niya namang tinanggap ang hawak ko. She smiled to me, I badly wanted to pinch her cheek but I stopped myself because I didn't want to hurt her.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Dawn, naka-suot siya ng eleganteng damit para sa selebrasyon ng kaarawan ng mga anak niya."You look wonderful Cece, ang ganda-ganda mo talaga!". Masayang papuri ni Dawn sa'kin.
I smiled. "Dawn, you look like a Goddess. Parang hindi ka nag-karoon ng mga anak". I replied to her.
"That part is thanks to all of you, dahil sa inyo eh nag-karoon pa ako ng oras na ayusin ang sarili ko kaya maraming salamat sa inyong lahat". Sambit ni Dawn.
"Theo, come here. Ninong West and Ninang Cece got you something cool for your birthday. Happy birthday, mini Thor. Don't stress your Mommy out okay? Be a man". Narinig kong masayang sinabi ni West ang mga salitang iyon kay Theo. Nakakatuwa talaga siyang pag-masdan kapag nakikipag-laro siya sa mga bata.
Napapanatag ang loob ko kase alam kong magiging mabuti siyang ama sa mga magiging anak namin, hindi niya magagawang pabayaan ang mga batang bunga ng pag-mamahalan namin sa isa't-isa at doon pa lang ay nag-papasalamat na ako sa kaniya.
Sandali lang namin nakausap si Dawn pati na ang kambal dahil mag-sisimula na ang okasyon, kailangan na nilang umalis para umakyat sa stage kaya nag-tungo na kami ni West sa isang gilid para doon tahimik na manood.
Kasalukuyan nang ipinapakilala 'yung kambal, si Ma'am Adrianna ang nag-sasalita sa taas ng entablado ngayon. Puro reporters, maliwanag na ilaw at walang tigil na flash ng camera ang nakapalibot sa buong pamilya nila, iyon ang dahilan kung bakit nasa gilid lang kaming lahat.
Sa apelyido pa lang ay halata na sina Thor at Dawn talaga ang mga magulang ni Thea saka Theo, kung may mag-tataka o mag-tatanong pa kung sino ang ama nilang dalawa ay hindi ko na alam kung ano'ng klaseng mga mata ang mayroon sila.
Sunod na nag-salita si Ma'am Thalia, ipinapakilala niya si Dawn bilang daughter-in-law niua. I saw how Dawn smiled while listening to those words, I'm sure she's completely surprised but delighted and grateful because of it.
She and Thor are not married yet, but they are engaged. Thor had proposed a marriage to her before he suddenly disappeared and became nowhere to be found, I'm still hoping and praying for his safe return to us. Dawn need Thor, and Thor certainly need Dawn. They need each other, and so is their children.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...