**************************
Gabriella Cecelia Rios
Matapos namin kumain, ang mga lalaki pa rin ang nag-ligpit at nag-ayos ng lahat. Pag-pata ng eksaktong hapon ay hinatak kaming dalawa ni AL papunta sa isang kwarto, nang hi-hingi ng tulong sina ate Trinity, ate Riane, at Avi sa'min dahil kailangan nila ng mag-aayos ng mga makeup kit para hindi na sila matagalan at mahirapan.
Sandali kaming nakapag-usap ni West kanina at ipinaliwanag niya sa'kin kung bakit kami nandito ngayon, monthsary kase ni Dawn saka Thor at hindi na sila nakapag-celebrate noong una saka pangalawang buwan dahil naaksidente naman si Thor ng biglaan at hindi inaasahan ng lahat.
Wala namang problema sa'kin na tumulong at maging parte ng surpresa ni Thor para kay Dawn, nakakatuwa nga dahil kasali kami ni AL eh. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin namin edi sana pumayag na kaagad ako na mag-file ng absent leave at hindi ako mang hi-hinayang, kase alam ko naman na may patutunguan ang isang buong linggo kong pag-liban sa trabaho.
Eh kaso lang? Ano bang ginawa ni West saka ni Jared sa'kin?
Pinag-alala nila ako ng todo, akala ko talaga ay mayroong nangyaring masama kay AL kaya hindi ako naka-tulog at nakapag-pahinga ng maayos dahil sa sobrang pag-iisip saka pag-aalala.
Oo, may kapatid si AL na nag-aaral din sa St. Valentine at malapit lang siya dito pero hangga't maaari ay ayaw niyang nag-aalala ang Kuya Allard niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang iniiwasan niya ang mga kapatid niya pati na ang sarili niyang mga magulang.
Hindi ko naman masyadong tinatanong si AL lalo na kung tungkol sa nakaraan, magulang, kapatid o personal dahil hangga't maaari ay ayokong mabuksan ang kahit na ano'ng sama ng loob o masasakit na alaala mula doon. Kung gusto niyang ibahagi sa'kin, makikinig naman ako sa kaniya pero kung hindi niya gagawin 'yon? Ayos lang naman din sa'kin.
Kaibigan ko si AL at kapatid na rin ang turing ko sa kaniya kaya nag-aalala ako kapag may nababalitaan akong hindi maganda tungkol sa kaniya, hindi pa ako nakaka-ganti kay Jared at West kaya hindi pa sila tapos sa'kin. Marami pa namang araw kaya sa mga susunod na araw ko na kanang gagawin ang binabalak ko.
Hindi naman ako mahilig mag-tanim ng galit, leksyon lamang ang ibibigay ko para mag-tanda silang dalawa at hindi na umulit dahil sa susunod ay mukhang aatakihin na ako sa puso. Kapag namatay ako, sila ba ang mag-papa-aral kay Candice? Sila ba ang su-suporta sa pamilya ko? Hindi naman diba?
Maliban kay West, North, Eros, Thor, Jared, Primo, kuya Reidly at iba pang mga kapatid saka pinsan nila ay wala ng ibang tumulong sa'kin habang nandito ako sa San Nicolas. Si AL ang pinaka-unang estudyante na hindi nag-dalawang isip na ipag-tanggol ako kahit na alam niyang maaari siyang mapahamak at madamay.
Kahit na alam niya ang mga 'yon, tinulungan niya pa rin ako at itinuring na matalik na kaibigan kaya mahalaga sa'kin si AL. Medyo masungit at mahilig lang talaga siyang mamilosopo minsan pero sanay na ako sa kaniya, may punto rin naman ang mga sinasabi niya eh.
"We'll call Dawn here, a-ayusan natin siya!". Natutuwang sa bit ni ate Trinity. Kasama niya si Avi, sila ang bumaba para tawagin na ang a-ayusan namin ngayong araw. Siya ang bida ngayon dahil araw naman talaga nila 'to!
Hindi naman kami natalagan ni AL sa pag- a-ayos ng mga kagamitan kaya hinintay na lang namin silang makabalik dito para makapag-simula na kaming ayusan si Dawn, it's her important day today so we must make her the most beautiful woman that Thor have ever seen in his entire life.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...