Fated To Love You

39 1 0
                                    



**************************

Gabriella Cecelia Rios



Mabilis akong naka-tulog dahil sa sobrang pagod, hindi naman dahil sa trabaho o dahil sa binantayan ko si West buong mag-damag pero dahil sa napakahabang byahe. Hindi ko na nagawang mag-palit ng damit ko, suot ko pa rin ang uniporme ko kahit na naulanan at nabasa na ito ng pawis.




Sinabi ko naman sa sarili ko na mag-papalit ako ng damit pero hindi ko na talaga nagawa, pag-pikit ko ay agad akong dinalaw ng antok at walang kalaban-laban akong nakatulog matapos 'non. Medyo masama na rin ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung nahawa ba ako sa trangkaso ni West o gumaganti na ang katawan ko sa'kin?





Hindi naman malabo ang bagay na 'yon dahil palagi kong hinaharabas ang katawan ko, hindi ko rin naman ito masyadong maalagaan dahil kung aarte ako? Papaano kaming mag-ka-kapatid? Sinong mag-bibigay ng pang gastos sa'kin?





Wala na kaming ibang aasahan at sa murang edad, natanggap ko na ang bagay na iyon kaya hindi na ako masyadong nahihirapan ngayon kaya lang? Aminado naman akong pinapabayaan ko rin ang sarili ko para lang kumita ng malaking pera. Ano'ng magagawa ko? Wala naman, diba?




Dahil ano'ng oras na ako naka-uwi sa dorm, siguradong tanghali na ako magigising at inaasahan ko na iyon. Wala namang pasok sa eskwelahan bukas kaya ayos lang na hindi ako gumising ng maaga, marunong din naman mag-luto si AL kaya hindi siya magugutom kahit tulog pa ako.




Maiintindihan niya naman siguro kung bakit para pa rin akong lantang na naka-higa sa kama ko, saka may lakad siya maya-maya at talaga ngang hindi ko siya magagawang samahan dahil kailangan ko ng matinong pahinga.




Narinig kong nag-alarm ang telepono ni AL pero agad niya naman itong pinatay, siguradong iniisip niya na makaka-istorbo siya sa'kin kaya hangga't maaari ay ayaw niyang gumawa ng kahit na ano'ng ingay na posibleng maging sanhi ng pag-ka gising ko mula sa pag-kakahimbing.




Hinayaan ko na lang muna na maging mahimbing ang tulog ko dahil minsan lang naman 'to, hindi naman araw-araw ay Sabado o Linggo. Kung maaari nga lang sana ay mawala na lang ang weekdays tapos puro weekends na lang!




Para maging saktong eight hours ang tulog ko, alas-onse na ng umaga ako naalimpungatan at dahil iyon sa alarm ko. Hindi ko alam kung bakit meron ako nito, wala naman akong matandaan na nag-set ako ng ganitong oras tuwing Sabado. Pag-tingin ko sa telepono ko, akala ko ay alarm. Iyon pala ay tawag mula kay West! Naka-limang missed calls na siya!




Agad kong inayos ang sarili ko, nauntog pa nga ako sa bakal dahil sa sobrang pag-ma-madali. Huwag naman sana 'tong maging bukol mamaya!




Ako na sana ang tatawag dahil akala ko ay hindi na siya muling tatawag sa'kin, pero bago ko pa mapindot ang buton ay muling tumunog ang telepono ko at siya ulit ang tumatawag sa'kin. Agad kong sinagot ang tawag ni West kahit na mayroon pa akong panís na laway sa gilid ng labi ko.




Ako: Sorry West! Kaka-gising ko lang!!



West: *Chuckled on the other line* It's okay Cece, good morning my love. How's your sleep?



Ako: Okay ka na ba? Hindi na masama yung pakiramdam mo?




West: Yeah, I'm okay now. Did you sleep well?



Ako: Oo naman! Napasarap nga ang tulog ko kaya ngayon lang ako nagising.




I lied though I didn't mean to, ayoko lang din siyang mag-alala sa'kin. Baka kase isipin niya na siya ang dahilan kung bakit wala akong matinong tulog, siyempre siguradong maiinis siya sa sarili niya kaya mas mabuti pang huwag ko na lang sabihin ang totoo. Hindi naman big deal 'yon, ang mahalaga ay ayos na siya ngayon saka hindi na siya nang hihina katulad kahapon.



Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon