A/N: This is a bonus chapter! (Not special but bonus.)
**************************
Gabriella Cecelia Rios
"Ano'ng kulay?". Panimula ni ate Trinity.
Siya na rin ang nag-pasya, mabuti na lang at mayroon akong ganong kulay sa isa sa mga baraha ko sa mga numero. Unang nabasawan ang mga numero sa'kin katulad ni Jared, Avi, ate Trinity saka kuya Reidly. Skip ang ibinaba ni North kaya hindi naman naka-tira si West, balak niya pa naman sanang mag-baba ng switch card para bumaliktad ang takbo.
"Tangina ka North! Manyakis ka ba? Bakit ka naninilip ng card?!". Tanong ni Jared sa kaniya.
Akala niya siguro ay sa kaniya ang pinag-mamasdan ni North pero ang totoo niyan ay 'yung kay West talaga ang gusto niyang makita habang eto namang si West ay wala ring kamalay-malay na tinitingnan na pala ni North ang mga hawak niyang baraha. Malaki ang posibilidad na matatalo sa larong 'to si West dahil hindi niya nakikita ang ginagawa ng kapatid niyang pasaway at magaling ngang mandaya.
Binigyan na tuloy ni ate Riane ng first warning si North pero natawa lang siya doon, hindi niya naman siguro kinabisado ang mga baraha na hawak ni West kaya mukhang magiging okay lang ang lahat. Kung matatalo man siya, hindi naman siguro siya iiyak at mag-lulupasay katulad ng isang limang taong gulang na hindi mo pinag-bigyan sa gusto niyang gawin.
Si ate Trinity palagi ang nauunang mag-lapag ng baraha tapos sumunod naman sa kaniya si kuya Reidly, Avi, ate Riane, Dawn, Thor, ako, si West, si North, si Primo, si AL habang si Jared naman ang pinaka-huli kaya karaniwang hindi na siya nakakapag-lapag ng baraha lalo na kapag biglang mag-ba-baba ng switch cards o skip cards si AL.
Iniba nila ng kaunti 'yung rules para daw mas maging masaya 'yung laro namin, ang huling tatlong maiiwan ay minamalas dahil kailangan nilang sundin ang mga utos sa ayaw man nila o sa gusto. Pumayag naman ang lahat sa kundisyon na 'yon, may tiwala ako sa mga baraha ko kaya alam kong hindi nila ako ipapahamak sa laro na 'to.
"Masasapak na kita North! Huwag kang madaya!". Muli nanamang reklamo ni Jared sa kaniya.
"Nakita ko rin 'yung ginawa mo, last warning na 'to". Paalala ni ate Trinity sa kaniya.
Bahagyang natawa akong natawa habang pinakikinggan silang lahat, tahimik lamang ako dahil iniisip ko kung ano'ng gagawin para makaligtas sa kaparusahan. Kapag natalo ako tapos panalo si North, sigurado akong pag-ti-tripan niya rin ako katulad na lang noong nasa Villa Amore kaming tatlo nila West.
Sa sobrang kabaitan niya, sinundan niya ako sa opisina ni West tapos bigla niya akong ginulat. Hindi ko talaga narinig ang yapak ng mga paa niya dahil nag-alis siya ng sapatos at hindi lang ako ang mabiktima niya dahil pati si West ay ganon din!
"Humanda ka sa'min North, iligtas mo na kaagad ang sarili mo". Babala ni Thor sa kaniya.
"Tingnan natin kung sinong iiyak mamaya". Mataas ang confidence ni North na mananalo siya sa larong 'to kaya lalo akong kinakabahan kahit hindi naman ito totoo.
"Oo na, huwag ka na maraming satsat. Mag-baba na kayo ng baraha diyan, ang tagal ninyo eh". Walang ganang reklamo ni ate Trinity.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...