A/N: Short chapter ahead!!
**************************
Gabriella Cecelia Rios
Dahil bumalik ako sa kwarto kanina, muli akong naka-idlip at alas-nuwebe na ng umaga nang maalimpungatan ako. Bigla kaseng nag-ingay ang telepono ko, naalala ko na marami nga pala ang alarm na naka-set dahil pagod ako at mayroong posibilidad na baka hindi ako magising kapag isang alarm lang ang ginamit ko.
Tapos na akong mag-ayos ng sarili ko kanina pa, suot ko ang uniporme na ibinigay sa'min. Maaari lang namin ito gamitin kapag ganitong sasama kami sa isang Domestic Flight o hindi naman kaya ay isang International Flight, saktong-sakto lang ang sukat nito sa'kin at masaya ako dahil hindi rin ito masyadong maiksi o ka bastos-bastons.
Kasalukuyan na akong nasa loob ng sasakyan ni West pero hindi siya ang driver ngayon, tauhan niya ang mag-hahatid sa'kin papunta sa Airport. Tahimik lang ako ngayon dahil wala namang dahilan para mag-salita ako, medyo malayo pa ata kami pero wala namang problema dahil maaga pa naman. Alas-dose pa lang ng tanghali, makaka-abot pa ako dahil alas-dos pa naman talaga ang Flight namin.
Maalala ko lang na hindi pala binanggit ni West sa'kin kung saan suya pupunta ngayon, basta ang alam ko lang ay mayroon siyang emergency business meeting sa kung saang lugar.
Hindi ko pala tinanong ang bagay na iyon sa kaniya kanina pero nag-aalangan naman akong mag-tanong ngayon dahil hindi pa ako nakakatanggap ng mensahe mula sa kaniya, iniisip ko na baka nasa byahe pa siya ngayon.
Palaging nakapatay ang telepono ni West kapag nasa byahe siya o kapag nag-mamaneho siya kaya kahit mag-padala ako ng mensahe o subukan ko siyang tawagan ay siguradong wala rin akong sagot na makukuha, ang tanging magagawa ko lang ngayon ay mag-hintay at manatiling kalmado.
May tiwala naman ako sa sinabi niya, alam kong hindi siya mag-sisinungaling sa'kin kung sakali mang nakatanggap siya ng panibagong misyon at kailangan niya nanamang ilagay ang isang paa niya sa hukay. Iniisip ko na lang ngayon na busy talaga siya para hindi ako mag-karoon ng maling ideya.
Ayoko namang isipin niya na masyado akong paranoid saka wala akong tiwala sa kaniya. Una sa lahat, hindi naman ako paranoid kase nag-aalala lang ako sa kaniya pati na sa kalagayan niya.
Masama ba 'yon? at pang huli naman ay mayroon akong tiwala sa kaniya. May natitira pa naman noon, iyon ang pinang-hahawakan ko ngayon dahil hindi pa bumabalik ang buong tiwala ko sa kaniya.
"Ma'am Cece, nandito na po tayo". Nagulat ako dahil biglang nag-salita si Kuya Bernardo.
Siya ang isa sa mga driver ni West, naninilbihan siya sa mansyon pero ngayon ay pinatawag mismo siya ni West para ihatid ako. Napabuntong hininga muna ako, nag-hintay ako ng ilang minuto dahil nag-aalangan pa akong bumaba sa sasakyan.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?". He asked again.
Tiningnan ko siya sa reareview mirror tapos tipid akong ngumiti.
"Ayos lang po ako, salamat po sa pag-hatid". Maiksi kong sagot.
Maayos akong nag-paalam kay Kuya Bernardo, mabait siya saka walang naging problema habang nasa byahe kaming dalawa. Sigurado akong mag-re-report siya sa amo niya mamaya, sana ay huwag na niyang banggitin na mukha akong may problema dahil ayokong mag-alala si West sa'kin.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...