A/N: Short chapter ahead, happy reading!
*3 months later
**************************
Gabriella Cecelia Rios
Matapos ang tatlong buwan pag hihintay, naipanganak na ni ate Cornellia ang panganay niyang anak na lalaki. Siya si Christophen Asher V. Rios, isang cute at chubby na batang lalaki ang lumabas mula sa sinapukunan ng kapatid kong ubod ng pasaway at daig pa ang bata. Nandoon kami ni Candice noong nanganak siya.
Napanood namin kung paano siya mahirapan sa panganganak pero mabuti na lang at kinaya niya naman, matapos ang halos forty-eight hours ay nailabas na niya si Tophen. Isang linggo na ang nakakaraan mula noong nanganak siya, nakauwi na kami sa bahay at kasalukuyan kong inaalagaan ang pamangkin kong mahimbing ang tulog.
Wala akong klase ngayong araw kaya maaari akong manatili sa bahay para mag alaga, nakaka-awa rin naman ang kapatid ko dahil ilang araw na siyang walang tulog dahil sa labis na pag aalaga sa anak niya.
Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya dahil ganito daw talaga ang ibang mga nanay lalo na sa unang anak nila pero uso rin kaseng mag pahinga kahit sandali, hindi naman mawawala si Tophen eh.
Nasa school si Candice habang wala naman sina tita Carmine atsaka tito Solomon dahil kapwa silang may trabaho, may kani-kaniya na kaming buhay kaya hindi na rin nila kami masyadong iniintindi. Malaki na kaming tatlo, wala ng bata sa'min at iyon ang katwiran ng tiyahin namin.
Kung wala akong pasok, siyempre pati si Gio at Aemie ay ganon din kaya kasama ko silang dalawa ngayon. Hindi kami makapag usap ng matino dahil mahimbing na ang tulog ng pamangkin ko at natatakot kami na baka muli siyang magising, kapag nang yari iyon? Siguradong iiyak siya.
Magiging dahilan pa iyon para muling maalimpungatan si ate Cornellia, iisipin niya na hindi pa talaga ako marunong mag alaga ng mata. Nasubukan ko na 'to noon, ilang beses na rin akong ang alaaga at nag bantay ng mga bata para lang kumita ng extrang pera.
"Ang cute talaga niya!!!". Masayang bulong ni Aemie habang pinag mamasdan si Tophen.
"Cute ka rin naman noon, kaso acute ka na ngayon". Pang aasar ni Gio sa kaniya.
"Pwede bang mamaya na kayo mag away?". Malumanay kong tanong sa kaniya.
"Eto kaseng si Gio! Napaka sama ng ugali!". Iritadong bulong ni Aemie sa'ming dalawa.
"Baka magising si Tophen, mamaya niyo na ipag patuloy yan". Paalala ko sa kanila parehas.
Hindi ko maintindihan si Aemie, parang noong nakaraan lang ay baliw na baliw siya Gio. Muntik pa kaming tuluyang magka hiwalay ng dahil lang doon tapos ngayon?
Akala mo mortal silang mag kaaway, daig pa nila ang mga bida sa palabas. Pero gusto kong malaman kung anong nang yari sa kanilang dalawa matapos nung araw na iyon, naging okay na ba sila o nag papanggap lang sila para hindi ako mag isip at mag alala tungkol sa nang yayari?
"Pati Gio? Sino yung babaeng kausap mo kahapon?". Nalilitong tanong ni Aemie sa kaniya.
"Yon? Si ate Zoe, pinsan ko". Akala siguro ni Aemie ay nobya ni Gio ang kasama a niya kahapon.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...