He Who Loved His Moon Dearly

43 1 0
                                    


*2 months later


**************************


West Mitchell Collins



It's been exactly two months since we started doing a special training program for our next mission, all of us must participate in that training routine despite the fact that North and I won't fight. He and I doesn't really have to go out there because we're in charge of technical support.






All we have to do is supervise them and we have make sure that they will be able to get out of there alive, breathing and in one piece. It's just Captain Light, Thor, Primo, Trinity, Nikka, Abigail, Dawn and the rest are the only ones who will get to our main objective for this mission to be a success.





We still have a few months left before we will execute the mission itself but for now? We have to train ourselves and make sure that we are all in the right state of mind. We won't be able to train properly if we can't focus, the training itself is getting harder and harder each day. The lower your score, the more you will have to train.





Each one of us is improving day by day, specially Jared and Nikka. Those two are keeping up their good work in the training field every single day so neither of them have to stay a little bit more to train themselves, as their teammate and as their friend? I must say that I'm very proud of them.






Sa tuwing kailangan kong mag-ensayo kasama sina Thor, Eros, Jared at ang iba pa ay wala akong ibang maisip na ida-dahilan kay Cece kaya palagi kong sinasabi sa kaniya na mayroon akong business trip sa isang espesipikong lugar para hindi siya mag-duda at magalit sa'kin.






Ang alam niya kase ay aalis na ako sa Cielo, 'yon din naman ang balak ko matapos niya akong pakasalan pero hindi ko pa sinasabi sa iba dahil alam kong mabibigla din sila sa gagawin kong desisyon. Hindi madali sa'kin na iwan ang Cielo dahil doon na ako lumaki at nag-karoon ng isip, nakagisnan ko na ang mga kaugalian na natutunan ko doon kaya malaking desisyon ang gagawin ko kung aalis ako.






Maayos na ang kalagayan ni Cece at ng buong pamilya niya ngayon dahil napatawad na nila ang isa't isa, sinabi naman ni Cece sa'kin ang napag-usapan nila dahil lumabas ako sa sarili kong hotel room noong araw na 'yon para bigyan sila ng pribadong lugar kung saan walang ibang makakarinig sa kanila. Si Tophen at ako lamang ang mag-kasama dahil parehas kaming walang kinalaman.





Sa totoo lang, gusto kong magalit sa mga magulang ni Sir Grayson dahil sila pala ang dahilan kung bakit hindi maaaring mag-sama ang mga magulang nila Cece.





Ayaw ni Mrs. Dallas kay Tita Cordelia kaya agad siyang tumutol nang malaman niyang gustong pakasalan ni Sir Grayson ang nanay nila Cece habang ang ama naman niya ay walang ginagawa kundi ang manood lamang sa ginagawa ng asawa niya kaya lalong lumala ang gulo sa pagitan nilang lahat.






'Yon ang puno't dulo ng lahat pero hindi ako nag-si-sisi na muli ko silang kinausap dahil ang ginawa ko ang naging daan para maging maayos na muli ang buong pamilya nila, at least hindi na nag-iisa sina Cece, ate Cornellia at Candice ngayon.






Nakapag-palit na ng kurso si Cece sa tulong ng Lolo at Lola niya pati na ni ate Cornellia. Kung ang dating kurso niya ay BSBA in Management sa St. Valentine, ngayon ay BS in Tourism Management na siya pero sa St. Valentine pa rin siya pumapasok dahil gusto niya talagang ipag-patuloy ang pangarap niyang maging isang Flight Attendant.






Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon