**************************
Gabriella Cecelia Rios
Halos lahat ng mga estudyante ay nasa harapan ng stage para panoorin ang performance ng Kings Of Valentine, nakakatuwa rin naman silang panoorin dahil talagang may talento silang lahat sa pag-kanta at pag-tugtog ng mga instrumento. Ang ga-gwapo rin nila, hindi ko itatanggi ang bagay na iyon lalong lalo na si West.
Si Psyche ang nag-desisyon kung ano ang magiging tema ng anibersaryo ngayon kaya sinikap rin namin ni AL na makahanap ng costume, mabuti na nga lang at marunong akong manahi ng damit kaya sa ukay lang kami bumili tapos inayos ko na lang.
Sapat naman ang oras para simulan ko yung damit namin saka may machine din naman akong ginamit kaya mas mabilis lang ang pag-gawa sa mga iyon. Itatabi namin ang mga damit pag-tapos ng event dahil maaari pa itong mapakinabangan. Ang booth ng section namin ay nag-bebenta ng mga knitted na damit, scarf, keychain saka mga manika na iba't iba ang disenyo at itsura.
Kami rin ni AL ang naka-isip non dahil kung pag-kain din ang gagawin namin ay masyado ng common saka marami na rin ang nag-bebenta ng mga matatamis, at least etong ginawa namin ay nagagamit o maaaring ipang-regalo sa mga mahal nila sa buhay o sa kung sino mang gusto nilang regaluhan.
Nag-tabi ako ng isang berdeng scarf para kay West, sinabi ko na ito kay AL at ako ang mag-babayad nito dahil ang materyales na ginamit dito ay kasama sa puhunan namin kaya hindi ko maaaring kunin na lang ng basta. Mauubos na ang mga paninda namin, pabalik-balik ang mga lalaki na galing sa booth ni North at doon pa lang ay nag-tataka na ako.
Nakasalubong ko si North kanina at tinanong ko siya ng maayos kung siya ba ang nag-uutos sa mga iyon na pakyawin ang mga paninda namin ni AL pero hindi naman daw siya, baka daw nagustuhan lang talaga ng mga iyon ang paninda namin kaya pabalik-balik silang lahat para bumili.
Sabagay, kahit siya naman talaga ang may pakana non? Mukha ba siyang aamin? May mag-nanakaw bang umaamin sa kasalanan niya? Wala naman diba? Siyempre ganon din ang gagawin ni North...
Hindi alam ni AL na nag-kausap kami, tuwang-tuwa kase siya sa tuwing nag-susukli siya sa mga bumibili. Totoo namang maganda ang mga gawa namin dahil pinag-hirapan namin ang mga ito mula araw hanggang gabi, unti mong habang nasa Villa Amore ako ay ginagawa ko pa rin ito para matapos lang.
"Cece? Malapit nang maubos 'tong tinda natin!!". Masaya niyang sambit habang pinag-mamasdan yung natitirang paninda sa harapan namin.
"Binalik-balikan ba naman ng mga lalaki galing sa booth ng' Seven minutes in wonderland' kaya paanong hindi mauubos?". Natutuwa ko ring katanungan sa kaniya.
Sinigurado ko naman na hindi niya mahahalata ang ibig kong sabihin, ayoko rin namang isipin niya na ako lang ang dahilan kung bakit naubos ang mga paninda namin kahit parehas kaming nag-pakahirap gumawa nito. Naririnig lang namin ang pag-awit ng apat na Hari ng St. Valentine pero hindi namin sila nakikita, wala kaseng mag-babantay ng booth kaya hindi kami pwedeng umalis dito.
"Ang gaganda ng boses nila! Sino ba yung kumakanta?". Masayang tanong ni AL sa'kin.
Bigla naman akong natawa sa kaniya. "Sila Jared yang kumakanta sa stage ngayon, sila ang last na mag-tatanghal para sa araw na 'to". Paalala ko sa kaniya.
Hindi niya pala pinakinggan yung buong announcement ni President Avi noong nakaraan bago ang week ng anibersaryo ng St. Valentine, ako lang pala ang nakinig ng maayos kaya ako lang ang nakaka-alala ng mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Fiksi IlmiahThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...